^

PSN Opinyon

Due process ang hiling ni Caringal

-
Nasa warpath itong si Senior Supt. Jaime Caringal, dating hepe ng Chief Directorial Staff ng Police Regional Office 4 (PRO 4) bunga sa biglang paglipat sa kanya bilang bagong commander ng Ifugao provincial command.

Marami ang nagsabi, kabilang na si Senior Supt. Nicanor Bartolome, spokesman ng Philippine National Police (PNP), na ang paglipat ni Caringal ay isang promotion subalit pinasinungalingan ito ng huli.

Kaya nagkaroon ng pulitika itong paglipat ni Caringal ay dahil manugang siya ni dating Defense Secretary Fortunato Abat na siyang nasa forefront ngayon sa isang kilusan upang patalsikin sa puwesto si President Estrada.

Sa kanyang tatlong pahinang sulat kina PNP Chief Dir. Gen. Panfilo Lacson; Dep. Dir. Gen. Reynaldo Wycoco, PNP deputy chief for administration; Dep. Dir. Gen. Jewel Canson, chief for operations at Chief Supt. Lucas Managuelod, chief ng PRO 4, sinabi ni Caringal na hindi makatarungan ang kanyang pag-transfer dahil hindi ito promotion bagkus isa itong demotion.

Sinabi niyang siya ay kinumpirma ng PNP Special Officers Placement and Promotions Board (SOPPB) bilang Chief Directorial Staff noong Setyembre 18. Hindi umano siya tinawag ng nasirang board upang pagsabihan ng kanyang bagong assignment

‘‘Neither was I informed, nor my Regional Director-PRO4 consulted, prior to the issuance of the questioned orders, in disregard of elementary due process and common courtesy’’ ang sabi ni Caringal sa kanyang sulat.

Ang napakasakit pa, ng kumprontahin niya si Director Reynaldo Acop, director for Personnel and Records Management ukol sa nasabing order ang ipinayo pa sa kanya ng nasabing opisyal ay mag-retire na lamang.

Sa kanyang 25-years sa serbisyo, ngayon lang nakaranas ng ganitong trato itong si Caringal kaya’t masamang-masama ang loob niya sa mga matataas na opisyales ng PNP. Marami na siyang achievements at naitulong para nga mapaganda at mapabango ang PNP sa mata ng tao subalit sa isang iglap, nawalang parang bula dahil sa pulitika. Pero hindi sumusuko si Caringal sa sitwasyong kinalalagyan niya. Hiniling niya kina Lacson, Wycoco at Canson na ang kanyang paglipat sa Ifugao ay ibinbin muna hanggang hindi pa nadidinig ang kanyang panig. Hindi naman mahirap itong hinihiling ni Caringal. ’Ika nga ang iginigiit niya ay walang iba kundi due process lamang. Tama rin siya dito di ba?

vuukle comment

CARINGAL

CHIEF

CHIEF DIR

CHIEF DIRECTORIAL STAFF

CHIEF SUPT

DEFENSE SECRETARY FORTUNATO ABAT

DIRECTOR REYNALDO ACOP

IFUGAO

JAIME CARINGAL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with