^

PSN Opinyon

Erap, naakit agad kay Guia sa unang pagkikita

- Ronnie M. Halos -
Maganda at kaakit-akit si Guia Gomez. Tubong Bacolod City at mula sa mga may sinasabi ring angkan sa siyudad na iyon. Ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang ang pagtungo sa Maynila noong 1962 ang magiging daan para makilala niya si Erap na noon ay nagsisimula nang makilala ang pangalan sa pelikula. Nag-aaral siya noon sa University of the East at kumukuha ng Business Administration. Sa pag-aaral niya sa UE ay marami ang nabago sa kanyang buhay. Hindi rin akalain na mahahatak din siya sa daigdig ng pelikula. Sabagay hindi na siya bago sa larangan ng akting sapagkat noong nag-aaral pa siya sa high school sa Philippine Women’s College High School sa Davao City ay miyembro siya ng Bayanihan Dance Troupe.

Ayon kay Guia, galing umano siya sa UE ng hapong iyon at naglalakad patungo sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila nang makita ng direktor na si Dominador Ad. Castillo. Iyon ang simula nang pagkakadiskubre sa kanya ng Larry Santiago Productions. Una niyang pelikula ang "Cuatro Cantos" at dito ay kabituin na niya si Erap, Ramon Revilla (ngayo’y senador) at Jose Romulo. Ang totoo’y naging sentro na agad siya ng paningin ni Erap sa unang pagkikita nilang iyon. Naakit na agad sa kanya si Erap. Palibhasa’y morena siya at charming. Nagustuhan din ni Erap ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi at ang kalambingan sa pagsasalita ng Ilonggo. Dahil sa inagaw ng pelikula ang kanyang buhay, nahinto siya sa pag-aaral sa UE.

Sa ikalawang pagsasama nila sa pelikula nabuo ang kanilang pagtitinginan. Ang pelikula ay ang Asiong Salonga. Sa pelikulang iyon nakilalang lubusan ang pangalan ni Erap na naging dahilan para makilala siya ng masa. Dalawa pang pelikula ang ginawa ni Guia at tuluyan na niyang iniwan ang daigdig ng pelikula.

Nagpatuloy muli siya sa pag-aaral sa ibang unibersidad. Lumipat siya sa Philippine Women’s University at dito niya tinapos ang Accounting. Patuloy ang kanilang relasyon ni Erap kahit na wala na siya sa pelikula. Ang relasyon nilang iyon ang dahilan para iwanan ni First Lady Loi si Erap at magtungo sa United States.

Nang umalis ang mag-ina, naging daan naman iyon upang ituring ni Erap na binata siya. Malayang-malaya at walang nakahadlang sa relasyon nila ni Guia. (Itutuloy)

ASIONG SALONGA

BAYANIHAN DANCE TROUPE

BUSINESS ADMINISTRATION

COLLEGE HIGH SCHOOL

CUATRO CANTOS

ERAP

GUIA

PELIKULA

PHILIPPINE WOMEN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with