^

PSN Opinyon

Na-acquit at gumanda ang equity ng Equitable

-
Masayang ipinagdiwang ang Pasko ng mga kalaban ni President Erap dahil sa katapangang ipinamalas ni Clarissa Ocampo, senior VP ng Equitable-PCI Bank. Ipinahayag ni Ocampo noong nakaraang Biyernes na "one foot away" siya nang pirmahan ni Erap bilang Jose Velarde ang mga papeles tungkol sa transaksyon nito sa kanilang banko.

Matapos iyon, naging parang bayani na ang tingin ng taumbayan kay Ocampo na katulad ng pagtingin kina Marichu Itchon at Emma Lim, ang dalawang matapang na testigo na humarap na rin sa impeachment court.

Bigla ring nabago ang damdamin ng mamamayan sa Equitable na inakala nila na nagpagamit sa mga diumano’y mga anomalyang transaksyon ni Erap at mga kaalyado nito. Sa halip na ipagpatuloy ng maraming sektor ang kampanya upang huwag nang tangkilikin ang Equitable, nabaligtad ang kanilang pakikitungo sa bankong ito. Walang tigil ngayon ang pagpuri rito.

Bahagi na rin ng usap-usapan kung ano ang dahilan at bakit nabago ang takbo ng Equitable sapagkat marami ang nakakaalam kung gaano kalapit sa isa’t isa sina Erap at ang dating chairman nito na si George L. Go. Di ba nga may mga balita na kumita raw ng limpak-limpak ang mga taga-Malacañang sa pamamagitan ni Mark Jimenez nang ayusin nila ang pagsasama ng PCI Bank at Equitable? Ito naman ay bali-balita lamang.

Ayon naman sa mga taga-loob ng Equitable, napilitan daw na sumibat at mag-resign si Go sapagkat nabuko na sila. Lalabas at lalabas din ang katotohanan tungkol sa mga "milagrong" transaksyon ni Erap at mga kampon nito. Kung hindi aalis si Go, mas higit pa sa Urban Bank ang mangyayari sa Equitable. Sa hakbang nilang ito, na-acquit at gumandang muli ang equity ng Equitable.

CLARISSA OCAMPO

EMMA LIM

EQUITABLE

ERAP

GEORGE L

JOSE VELARDE

MARICHU ITCHON

MARK JIMENEZ

OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with