^

PSN Opinyon

Pagbibigayan ang diwa ng Pasko

-
Ngayong Kapaskuhan, sikaping magpasalamat sa lahat ng biyayang ating natanggap. Sa pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos ay nararamdaman natin ang Kanyang pagmamahal. Subalit hindi lahat ng ating kababayan ay naging kasing palad natin. Marami sa kanila ang kapos sa mga pangangailangan. Marami sa kanila ang nangangailangan ng mga simpleng bagay na maaaring kalabisan sa ating bahay gaya ng mga lumang damit at laruan.

Ngayong Kapaskuhan, alalahanin natin ang mga kapuspalad na kababayan, ang mga ulila sa mga bahay ampunan, batang lansangan, ang mga maysakit, at mga maralitang kababayan. Ngayong bakasyon at may pagkakataon tayong maglinis ng ating mga silid, aparador, garahe, at ibang sulok ng bahay, ibahagi sa iba ang mga lumang damit, sapatos, laruan at iba pang kagamitang hindi na ginagamit. Mas magiging kapaki-pakinabang ang mga ito kung gagamitin ng ibang tao kaysa itatabi lamang at pamamahayan ng alikabok.

Ang pagbibigay ang tunay na diwa ng Pasko. Hindi ba’t ang isang Kristiyano ay dapat na maging mapagbigay at dumamay sa pangangailangan ng iba? Sa mapagpalang kamay ng Diyos nagmula ang mga biyayang ito at sana’y matuto tayong magbalik ng kahit man lamang kaunting bahagi nito sa kapwang nangangailangan. Hindi ba’t sinabi ni Jesus na kung ano ang ginawa natin sa ating mga kapatid ay ginawa na rin natin sa Kanya? Sa gitna ng masagana at magaan nating pamumuhay, matuto tayong maging sensitibo sa pangangailangan ng iba. Matuto tayong dumamay sa kahinaan ng iba.

Dalangin ko na nawa’y patuloy ang biyayang ipinagkakaloob ng Diyos sa inyo upang sa gayon ay mas maging bukas ang inyong palad sa pagtulong sa iba. Sama-sama nating pasayahin ang ating kapwa na nangangailangan ngayong Pasko.

ATING

DALANGIN

DIYOS

IBA

KANYA

KANYANG

MARAMI

NGAYONG KAPASKUHAN

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with