Mga babaeng bayani sa impeachment trial
December 26, 2000 | 12:00am
Lalo na akong bumilib ngayon sa mga Pilipina. Talaga namang pinagpala sila sa Katapangan, Katalinuhan at Kagandahan. Nasisiguro ko na kung hindi man sila ang nangunguna, ang ating mga kababaihan ay isa na sa mga pinakamimithi at pinakatangi sa buong daigdig.
Tunghayan na lang natin ang mga kaganapan ng mga nakaraang araw sa impeachment trial ni President Erap sa Senado. Mga babae ang bumandera rito. Sila ang iniharap bilang witness ng prosecution panel laban kay Erap. Hindi nila inalintana ang pagod at ang panganib sa kanilang buhay. Hindi mga ordinaryong tao ang kanilang nilalabanan kundi ang Presidente ng Pilipinas at ang kanyang mga kabarkada.
Noong nakaraang Biyernes, walang kagatul-gatol na sinabi ni Clarissa Ocampo, Senior VP ng Equitable PCI Bank na si "Jose Velarde" at si Estrada ay iisa. Buong tapang na isinalaysay ni Ocampo ang naganap na pirmahan at negosasyon na mismong si Erap ang gumanap na kliyente at ipinirma ang pangalang "Jose Velarde". Mahalaga ang pagpapatunay na ito sapagkat maaaring ito ang magdidiin kay Erap.
Nagpakita rin ng kanilang mga "K" sina Menchu Itchon at Emma Lim na kahit na malapit ang relasyon kay Gov. Chavit Singson ay maaari rin sanang umiwas sa gulo at panganib ngunit minabuting harapin at kalabanin ang pinakamalakas at pinaka-impluwensiyang tao sa Pilipinas.
Hindi rin makakalimutan ang mga iba pang mga kababaihang nagpamalas ng hindi lamang ng kanilang katapangan kundi ipinamulat din nila ang kanilang pananalig sa katotohanan at katarungan. Sila ang mga babaing branch managers ng Equitable PCI Bank kasama na ang naging instant celebrity na si Shakira Yu.
Sa inyong lahat, kayo ang tatanghaling mga Pilipinang Bagong Bayani sa Bagong Millenium. Manigong Bagong Taon sa lahat!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended