Noong 3,000 B.C. isang haliging bato ang natagpuan sa Babylon na may mga nakaukit na ganitong salita: "Kung ang doktor sa pag-oopera niya sa namamagang sugat ay napatay ang pasyente, nararapat na putulin ang kanyang mga kamay."
Walang nakaaalam kung gaano karaming doktor ang nagdurusa dahil sa batas na ito. Ganoon pa man kung isang alipin (slave) ang naging pasyente ng doktor, walang kaparusahang ipapataw subalit ipinag-uutos naman ng batas na palitan ng doktor ang aliping namatay ng panibagong alipin.
The practice of medicine in Babylon was quite fascinating. Gumagamit ang mga doktor ng herbal medicines at kung minsay nagsasakripisyo ng hayop upang masabi kung ano ang sakit ng pasyente. Kung ang professional na doktor ay hindi magamot ang pasyente, isang kakatwang bagay ang gagawin. Hihiga ang pasyente sa gitna ng kalsada at ang mga nagdaraan ang magbibigay naman ng medical advice rito. (Itutuloy)