Envelopmental cheating
December 23, 2000 | 12:00am
Matagal na hinintay ng taumbayan ang pagbubukas ng selyadong envelope na galing sa Equitable-PCI Bank na diumano ay pinaglalagyan ng mga mahahalagang dokumentong may kinalaman sa deposito ng misteryosong Jose Valhalla o Jose Velarde. Nagpapahiwatig na maimpluwensiya ang nagbukas ng account sapagkat hindi na sinunod ang mga patakaran ng pagbabanko.
Ang nakapagtataka rin ay Jose Velarde ang nakalagay na pangalan sa naturang account at hindi Jose Valhalla o Jaime Dichaves na nagpipilit na siya talaga ang may account nito. Isa pa, may suspetsa ang mga prosecutors na na-tampered diumano ang naturang sealed envelope.
Marami naman ang naniniwala na mukha ngang may gumalaw sa laman ng envelope. Nasaan na nga pala ang ebidensyang ipinakita ni Prosecutor Joker Arroyo noong opening ng impeachment trial. Kitang-kita ang pagkakapareho ng pirma ni Jose Velarde sa signature specimen form ng Equitable na inaakala ng marami na si President Erap din.
At last! Pumayag na rin ang defense panel na pabuksan ang nasabing envelope. Nagulat ang mga prosecutors at ang mga kaalyado nito nang makita ang mga laman. Kulang-kulang ang mga papeles sa pagbubukas ng isang deposit account na para bagang kamukha ng pirma ni President Estrada sa P500.
Sa isang interview, ipinahayag ni Prosecutor Sergio Apostol na lumilitaw na pinalitan diumano ang mga dokumento at mga papeles na inilagay sa selyadong envelope. Ginawa ito doon pa lang sa Equitable Bank bago pa ibinigay sa impeachment tribunal. Kapani-paniwala ang alegasyon ng prosecutors panel na may nangyaring milagro.
Hindi tayo dapat pumayag na maloko. Nararapat lamang na gumawa ng hakbang ang mga prosecutors at mga namumuno ng impeachment tribunal upang hindi makalusot ang kawalanghiyaan ng mga walang kaluluwa.
Sa ngayon, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat... kasama na rin ang mga maka-Erap!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest