ORA MISMO - Only sa NAIA: Sibak ka kapag gumawa ng mabuti !
December 22, 2000 | 12:00am
Dahil sa pagtupad sa tungkulin isang ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa NAIA customshouse ang sinibak ni Customs Commissioner Renato Ampil. Inobliga kasi ng ahente na magbayad ng tamang buwis ang isang milyonaryong Intsik sa mga dala nitong Christmas giveaways para raw gamitin sa isang Jollibee franchise. Nagsumbong ang Intsik sa kumpale raw ni Lacson.
Siguro nagkamali sa desisyon si Ampil sa pagsibak niya kay Buddy Lota, NAIA-CIIS agent at dating Vice Mayor sa Taal, Batangas. Nagpakitang gilas si Lota hindi lamang sa milyonaryong Intsik kundi maging sa lahat ng Customs sa NAIA. Nagpakitang gilas ito para alisin ang masamang imahe ng Customs sa mga pasaherong dumarating sa airport na wala umanong ginagawa kundi ang mangbakal.
Masaklap ang nangyari kay Buddy porke pinagbayad niya ng buwis ang milyonaryong Intsik. Hayun nasa kangkungan ang mama.
Kaya raw tuloy maraming umiiyak sa airport kasi kung sino ang maraming pera sila pa umano ang nalilibre sa pagbabayad ng buwis at ang mga taong walang pera ang madalas umanong makikilan dito.
Sa tingin ng kuwago ng Ora Mismo, mali ang ginawa ni Ampil. Kung nagreklamo man sa kanya ang padrino ni milyonaryong Intsik sa ginawa ni Lota eh palagay ko dapat imbestigahan muna niya ang pangyayari para naman malaman niya ang punot dulo ng istorya.
Sa NAIA customs ay dog eats dog daw. Mas masaya sila kung may masisibak dito porke maraming gustong pumunta sa nasabing lugar kahit na magkano pa raw ang magastos nila mapasok lamang sa airport.
Pulitikong pulpol itong si COM-sumisyon, sabi ng kuwagong fixer sa POEA.
Bakit? sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Paano tama ang ginagawa ng bata niya akalain mo ito pa ang masibak, Paangil na sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Eh, ano ang dapat gawin sa mga kamoteng tulad ni Com-sumisyon?
Panahon na siguro para siya sibakin.
Bakit naman?
Kamote ang dating
Madaling mag-init ang ulo ngayon.
Bakit?
Walang panghatag sa Panginoon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest