Naiinis na ang taumbayan sa trial
December 21, 2000 | 12:00am
Naiinis na ang taumbayan sa pagpapaikot na ginagawa ng mga abogado ni President Erap upang patagalin ang impeachment trial. Nahahalata na ng taumbayan ang taktikang ito ng mga defense lawyers na taliwas sa sinasabi ni Erap na gusto na niyang mapabilis na matapos ang naturang paglilitis nang sa ganoon ay mapawalang-sala na siya kaagad.
Kahapon ay binuksan na ang sealed-envelope na galing sa Equitable-PCI Bank na ang nilalaman ay diumano mga dokumentong makapagsasangkot kay Erap? Jose Velarde at hindi Jose Valhalla ang may-ari ng account. Ito ay pagkaraang tutulan ng depensa na huwag buksan. Ipinagdiinan nilang hindi materyal ang anumang nilalaman ng envelope sa pinag-uusapang artikulo ng impeachment.
Kung walang itinatago ang mga defense lawyers, bakit para bagang hinohokus-pokus nila ang kaso? Lumang tugtugin na ang style nilang ito. Sabi nga ng prosecutor na si Joker Arroyo na hindi niya maintindihan kung bakit pumayag noong una ang defense panel na mabuksan ang envelope. Nang bandang huli nagbago na ang isipan nila. Marami ang nagpapalagay na hindi pumayag si Erap na pabuksan agad ang naturang envelope sapagkat maaaring mabuko na siya.
Marami sa mamamayan ang naniniwala na si Erap din ang misteryosong Jose Valhalla o Jose Velarde dahil sa magkamukhang pirma nila. Nalalabuan sila sa pag-amin ni Jaime Dichaves na siya ang talagang nagbayad sa Boracay mansion. Sumasaklolo lamang daw itong si Dichaves upang hindi maipit si Erap.
Dahil sa mga pangyayaring ito, may pakiramdam ang taumbayan na may tangka pa rin ang kampo ni Erap na maisalba ito. Hangarin pa rin nila na maabsuwelto si Erap kayat gagawin nila ang lahat ng paraan.
Kaya mga kapanalig, nararapat lamang na maging listo tayong lahat sa mga nangyayari sa impeachment trial at mga aksyon hindi lamang ng mga senator-judges, mga prosecutors at lahat ng mga may kinalaman sa trial. Makakabuting tingnan muna natin sila ngayon bilang mga suspects habang hindi natin nasisiguro kung ano ang talaga nilang intensiyon at katayuan sa kaso. Bayan, buksan ang inyong mga mata at tainga mula ngayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest