^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng batang nalunod

-
Ang magsasaka ay kailangang pumunta sa bayan para itinda ang kapipitas na kamatis. Kung hindi ay masosobrahan sa hinog. Hindi maaaring ipabukas ang pagpunta sa bayan. Ang problema ay kung saan ihahabilin ang anak na lalaking tatlong taon ang gulang. Ang asawa niya ay nasa kabilang nayon na tinutulungan ang kapatid na bagong panganak.

Ayaw naman niyang isama sa bayan ang anak sapagkat problema. Nang minsang sinama niya sa bayan ay umiyak maghapon at pilit na nagpapauwi. Nabuwisit ang lakad niya at hindi tuloy naitinda ang mga kamatis.

Naisip niyang paalagaan ang anak sa kanyang matandang ina. Walumpu’t limang taong gulang na ito at mahina. Ayaw sanang pumayag ng ina dahil napakalikot ng bata.

‘‘Sumasakit ang rayuma ko sa batang iyan.’’ Paliwanag ng matandang ina. ‘‘Parang kiti-kiti sa likot.’’

‘‘Ipasyal ninyo sa tabing-dagat,’’ sabi ng anak na magsasaka. ‘‘Makabubuti sa rayuma ninyo ang ehersisyo sa paglakad. At saka madaling malibang ang bata sa tabi ng dagat. Sige na, Inang, hindi lang maiwasan. Hindi ako magtatagal. Bago mananghali ay narito na ako.’’

Pumayag na rin ang matanda. Sinuutan ng sando at sombrero ang bata at ipinasyal sa tabing-dagat. Nang naglalakad na sila sa tabing dagat ay biglang bumitiw ang bata. Sumugod ito sa tubig at agad nilamon ng alon.

‘‘Diyos ko, nalunod ang aking apo. Tulungan po ninyo ako. Ibalik ninyo ang apo ko,’’ Sigaw ng matanda.

Parang himala naman na ibinalik ng alon ang apo sa lola.

Inayos ang suot nitong sando at pagkatapos ay tumingala,’’ Diyos ko nasaan po ang kanyang sombrero?’’

AYAW

DIYOS

IBALIK

INANG

INAYOS

IPASYAL

MAKABUBUTI

NABUWISIT

NAISIP

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with