Hinagpis ni Andy Verde!
December 21, 2000 | 12:00am
Nais kong ipaubaya ang espasyo sa reklamo ng beteranong brodkaster ng DZRH na si Andy Verde. Napag-isip ko kasi na kung ang ganitong shortselling ay puwedeng biktimahin ang isang taga-media, paano pa ang karaniwang mamamayan?
Self-explanatory ang sulat at kayo na lang ang bahalang magbasa:
Patuloy na dumarami ang nagiging biktima ng Atlanta Land Corporation, isang home developer ng mga subdivision sa Central Luzon na isa rito ang Grand Victoria Estate sa Cabanatuan City na lingid sa kaalaman ng mga buyer nito.
Nagiging kaawaawa ang mga bumibili ng lupa kasama na ang writer na ito na pinamamahalaan ng Atlanta Land Corporation sapagkat taliwas sa inaasahan sa isang subdivision na kumpleto sa pasilidad tulad ng tubig at koryente ay hindi maibigay ng developer nito na si Richard Tan.
Sa kaso na lamang ng Grand Victoria Estate na matatagpuan sa Bitas, Cabanatuan City ay marami ng nagiging biktima ang developer na ito sapagkat kaya pala hindi makabitan ng serbisyo ng koryente ay malaki ang pagkakautang nito sa electric cooperative. Lumilitaw na umaabot sa mahigit kumulang sa P30-M ang pagkakautang ng Atlanta Land Corporation sa Cabanatuan City Electric Cooperative (CELCOR) na siyang total na halaga nang mga ipinatayong poste at kawad ng koryente bukod pa sa hindi maayos na titulo ng lupa na kanilang ibinebenta.
Nabatid pa rin na mali-mali at hindi maayos ang mga tubo ng tubig na kanilang inilatag sa subdivision na pumapasok sa loob mismo ng sakop ng bibilhing lupa at bilang patunay nito ay tumama ang main line ng tubo ng tubig sa poso negro. Ang patuloy na pagwawalang-bahala ng management ng Atlanta Land Corporation sa problema nito ang naglalagay ngayon sa alanganin ng mga taong nakabili na ng lupa sa Grand Victoria Estate sa Cabanatuan City.
Ayon sa isang nakabili ng lupa sa subdivisiong ito na tumanggi munang magpabanggit ng pangalan at kasalukuyang nagpapagawa na ng bahay sa Grand Victoria Estate nakapagsisisi ang bumili ng lupa sa subdivisiong ito sapagkat walang tubig at koryente.
Napag-alaman ng buyer na ito mula sa tanggapan ng CELCOR na hindi nila bibigyan ng suplay ng koryente ang subdivisiong ito hanggang hindi binabayaran ng Atlanta Land Corporation ang kanilang milyong-milyong pagkakautang.
Sabi nila may koryente at tubig sila pero wala na man pala at isang taon na kaming nakikiusap sa tanggapan ni Tan pero puro pangako lamang at patuloy naman ang kanilang pagbebenta ng mga lupa nila sa kanilang subdivision anang buyer.
Dapat lamang mabigyan ng babala ang iba pang buyer na posibleng mahikayat ng Atlanta Land Corporation na huwag ng bumili hanggang hindi nakasusunod ang kompanyang ito sa mga requirements ng Housing and Land Use Regulatory Board dagdag pa nito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest