^

PSN Opinyon

Talinghaga ng kalapating mababa ang lipad

-
Ang magsasaka ay hindi pa nakararating sa Maynila. Kung siya ang masusunod mamatamisin niya ang mamatay sa nayon kaysa magbiyahe sa malayo lalo na sa Maynila. Marami siyang naririnig na patayan at nakawan pag ang mga taga-nayon ay nagpupunta sa Maynila. Wala pa naman siyang pinag-aralan kaya mas gusto niyang makiharap sa pareho niyang magsasaka.

Ngayon ay talagang hindi na niya maiwasang magtungo sa Maynila. Namatay ang kuya niya roon at ang huling hiling ay dumating siya para sa libing. Hindi raw ililibing hanggang hindi siya dumarating.

Ibinigay sa kanya ang numero ng telepono sa Maynila.

Sumakay sa bus ang magsasaka. Pagdating sa Maynila ay walang sumalubong kaya tumawag agad sa telepono. Sa kasamaang palad hindi makakonekta. Nataranta siya dahil nagdidilim na ay hindi pa makatawag. Naglakad at napadpad sa mga night club. Dumating ang mga pulis at hinuli ang lahat ng babae pati ang magsasaka.

Tinatanong sila ng mga pulis isa-isa.

‘‘Ako po ay namamasyal lang nang mahuli,’’ sabi ng babae.

‘‘Sinungaling.! Ikulong iyan.’’

‘‘Ako po ay pauwi sa trabaho,’’ paliwanag ng pangalawang babae.

"Isa pang sinungaling! Ikulong din iyan."

"Mamang pulis, ako po ay kalapating mababa ang lipad. Iniwan po ako ng aking asawa kaya napilitan akong gawin ito para sa aking mga anak," luhaang paliwanag ng pangatlong babae.

"Naniniwala ako pakawalan yan. At ikaw," turo sa magsasaka.

Nanginginig na sumagot ‘‘mamang pulis, ako rin po ay kalapating mababa ang lipad.’’

AKO

DUMATING

IBINIGAY

IKULONG

INIWAN

ISA

MAMANG

MARAMI

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with