EDITORYAL - Ang P5-M ni Bograd
December 19, 2000 | 12:00am
Habang hinahalukay ang jueteng scandal ay maraming misteryosong pangalan ang lumulutang. Mahiwaga si Jose Valhalla na unang tinawag na Jose Velarde. Ngayon naman ay ang pangalang Paul Bograd na umano’y American consultant ni President Estrada ang umaagaw ng atensiyon. Inamin ni President Estrada noong Biyernes na tinanggap ni Bograd ang P5 milyong tseke mula kay Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson. Tinanggap umano ni Bograd ang tseke at hindi alam na ito ay galing sa jueteng. Idineposito umano ni Bograd ang tseke sa personal account nito. Ayon kay Estrada maaari umanong ginamit ni Bograd ang pera para i-finance ang opinion polls. Nagtrabaho si Bograd kay Estrada mula pa noong 1998 election campaign. Ito ang nagbibigay ng payo at estratehiya sa pulitika. Ang report ay nagmula sa Associated Press.
Noong Sabado ay pinabulaanan ni Estrada ang kanyang mga sinabi. Wala umano siyang direktang kinalaman sa Amerikanong nagtatrabaho sa kanya bilang consultant. Hindi umano siya sigurado kung tinanggap ni Bograd ang P5 milyong tseke na ibinigay ni Singson. Hindi umano niya sinabing tinanggap ng consultant ang pera. "Somebody only told me but I never admitted to anything," sabi pa ni Estrada.
Lumalalim nang lumalalim ang kaso at kung sinu-sino na ang nakakaladkad. Pinagtatalunan ang tungkol kay Valhalla at ngayo’y may pagbabago sa mga pahayag tungkol kay Bograd. Habang nagtatagal ay nalilito naman ang taumbayan kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. Minsan nang nanahimik si Estrada sa unang bigwas ni Singson na nagdala ito ng P200 milyon sa Malacañang. Itinanggi ito subalit sa katagalan ay inamin din ni Estrada na ang P200 milyon ay para raw sa Muslim Youth Foundation. Donasyon umano subalit hindi rin alam ng pinagbigyan na iyon ay galing sa jueteng. Ano pa ang susunod na itatanggi na lalong lamang naglulubog sa sarili?
Pero sa isang banda ang isang katotohanang makikita rito ay ang pagbibigay ni Singson ng pera mula sa jueteng. Aminin man o hindi ni Estrada, nakadilat na ang katotohanang lalong tumibay ang mga ikinukumpisal ni Singson na nagbibigay siya ng pera kay Estrada. Ito ang maliwanag na nakikita ng taumbayan. Ang katotohanan ay unti-unti nang nangingibabaw.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 29, 2024 - 12:00am