^

PSN Opinyon

Pasko para sa mga balikbayan

-
Matandang kasabihan na there’s no place like home; home sweet home and happiness is where the home is. Katotohanan na walang makapapantay sa kasiyahan na manirahan sa lupang sinilangan kaya’t ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ay sinisikap na magbalik-bayan sa panahon ng kapaskuhan.

Kabilang sa mga nagbabalik-bayan ay ang pamilya ni Dr. Antonio Talusan, kilalang nephrologist na nagtatag ng public service program na ‘‘KAPWA KO MAHAL KO.’’ Si Dr. Talusan, ang kanyang maybahay na si Dr. Celia Samson Talusan at ang kanilang mga anak, mga manugang at mga apo ay naninirahan sa Baltimore, Maryland, USA kung saan ay mayroon silang ospital doon. Apat na babae ang anak ni Dr. Talusan at pawang mga doktor. Si Eileen, ang pinakapanganay, ay isang alergologist; Si Karen ay pediatrician-gastroenterologist; Sina Janet at si Yvette, parehong nephrologist. Apat na ang mga apo nina Dr. Talusan.

Inamin ni Dr. Talusan na sa kabila ng maraming taong pamamalagi nila sa US ay naho-homesick pa rin sila. Hinahanap pa rin nila ang kasiyahang nadarama sa tuwing nasa sariling bayan sila. Hinahanap pa rin nila ang kasiyahan nadarama sa tuwing nasa sariling bayan sila. Naging panata na ni Dr. Talusan na dito sa Pilipinas sila magpasko. Naliligayahan siyang balikan ang mga gunita ng mga nagdaang Pasko sa kanilang bayan sa San Rafael, Bulacan. Kasama siya ng kanyang mga kapatid, mga pinsan at mga kalaro na nangangaroling at sila’y nagsisimbang-gabi at kumakain ng puto-bumbong, puto at kutsinta, suman at umiinom ng mainit na tsaa paglabas nila ng simbahan. Maligaya rin silang nagsasalo sa noche buena at nagpapalitan ng mga aginaldo at ang matandang kaugaliang ito ay ginagawa ng mag-anak na Talusan tuwing Pasko. Pinipilit nila Dr. Talusan na makasama ang kanilang mga kamag-anak sa panahon ng kapaskuhan. Nagtutungo sila sa San Rafael, Bulacan at sa Mariveles, Bataan na bayan ni Doktora Talusan at sila’y namamahagi ng mga inihanda nilang Christmas gifts. Naghahanda rin sila ng Christmas Party para sa mga kaibigan nila na karamihan ay katulad nilang doktor sa kanilang marangyang tahanan sa La Vista, Quezon City.

Tulad ng sinumang balikbayan para kina Dr. Talusan at sa pamilya ang Pasko sa Pilipinas ay natatangi at walang kasing-saya.

vuukle comment

APAT

BULACAN

CHRISTMAS PARTY

DOKTORA TALUSAN

DR. TALUSAN

PASKO

SAN RAFAEL

SILA

TALUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with