EDITORYAL - Ningas-kugong kampanya sa paputok
December 16, 2000 | 12:00am
Labinlimang araw pa bago mag-bagong taon subalit nagsisimula nang dumagsa sa mga ospital ang mga biktima ng paputok. Kahapon ay may ilang biktima na ng paputok ang isinugod sa Jose Reyes Memorial Hospital. Karamihan sa kanila ay mga bata. Hindi na kataka-taka ito sapagkat hayagan na ngayon ang pagbibenta sa bangketa ng mga paputok na ibat ibang klase at nakayayanig ang lakas. Kahit mga bata ay maaaring makabili. Sa Carriedo St., Quiapo na lamang ay nakalatag na ang mga paputok at hindi sila natitinag kahit na nagdadaan doon ang mga pulis. Wala namang nakikita ang mga pulis. Tuloy ang ligaya at pagdurusa naman sa mga magiging biktima nang maagang pagsalubong sa Bagong Taon. Isang palatandaan na bago pa sumapit ang January 1 ay marami pang mabibiktima ang mga paputok na ito. Ang kampanya ng pamahalaan sa paputok ay ningas-kugon lamang.
Noong nakaraang taon, isa ang naiulat na namatay samantalang 46 naman ang grabeng nasugatan dahil sa ligaw na bala. May kabuuang 748 ang nasugatan dahil sa paputok. Sa kabila na taun-taon ay ipinagbabawal ang mga paputok wala pa ring kadala-dala ang mga matitigas ang ulo sa pagpapaputok. Mas malakas ay mas gusto nila. At bahala na kung ano ang mangyayari. Ngayong taong ito, kung hindi mag-iingat ang taumbayan at hindi maghihigpit ang pamahalaan baka mas marami ang maging biktima.
Maliban sa mga paputok ang isang kinatatakutan tuwing sasapit ang Bagong Taon ay ang mga nagpapaputok ng baril. Mas malagim ang kinahahantungan ng mga biktima na ang karamihan pa ay mga bata. Ang masakit malaman, ang mga nagpapaputok ng baril ay mga pulis at wala namang magawang paraan ang Philippine National Police kung paano matitiktikan ang mga ito.
Gaya nang nangyari sa 12-anyos na si Alvin Sicat ng Tomas Pinpin St. Binondo Manila. Hindi akalain ng mga magulang ni Alvin na ang pagpasok ng 2000 ay malagim sa kanila. Nakikipagsaya si Alvin sa iba pang kabataan sa harapan ng kanilang bahay nang tamaan siya ng ligaw na bala. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli ang nagpaputok ng baril na pinaghihinalaang isang pulis na lasing. Sumabog ang ulo ni Sicat makaraang tamaan ng bala. Ang pangarap ni Alvin at ng kanyang mga magulang ay naguho dahil lamang sa walang kuwentang pagpapaputok.
Nararapat nang magbigay ng babala ang Department of Health sa mga magpapaputok at nang makaiwas sa mga panganib ng paputok. Dapat din namang maging handa ang pulisya sa panahong ito. Ngayong ang bansa ay nasa krisis hindi na nararapat pang may mabiktima ang mga walang kaluluwang magpapaputok ng kanilang baril. Bantayan sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended