Imbentong salaysay
December 14, 2000 | 12:00am
Si Hadji ay isang Muslim na nakatira sa Quiapo. Siyay madalas sa himpilan ng pulisya at napag-utusan ng station commander. Minsay hindi nakatupad si Hadji sa station commander tungkol sa pinagagawa sa kanya. Itoy naging simula ng kanyang problema.
Kumakain siya noon ng halo-halo kasama ang kaibigan sa isang restawran sa kanto nang dinampot siya at dinala sa presinto. Pagdating sa presinto, kinasuhan siya ng illegal possession of firearm dahil umanoy nakumpiska ito sa kanya ng may anim na bala.
Tumestigo sa paglilitis si SPO4 Vicente, isa sa apat na umanoy humuli sa kanya. Ayon kay SPO4 Vicente, nakakuha ng tip mula sa isang informant ang desk officer nila tungkol sa isang suspect sa patayan kayat agad gumawa ng team ang kanilang commander upang arestuhin ito. Ayon kay Vicente, makikilala raw ang suspect sa suot nito at itoy nasa restawran. At pagdating daw nila sa restawran, itinuro ng informant sa kanya si Hadji. Nilapitan ni Vicente si Hadji at kinapkapan ito dahil may matambok sa kanyang baywang. At nadiskubre nga raw niya ang isang kalibre .45 at mga bala sa katawan ni Hadji. Dinala raw nila si Hadji sa himpilan at isinalin sa hepe ng homicide section pati na ang nakumpiskang baril. Ngunit walang resibong ibinigay para sa baril.
Sa malawakan pang pagtatanong kay Vicente, inamin niyang hindi na niya matandaan ang suot ng suspect at kung sino ang talagang nakakuha ng baril. Hindi naman daw siya talaga ang nakadiskubre nito kundi yung kanyang kasama na hindi na niya matandaan ang pangalan. Nasentensiyahan si Hadji ng mababang hukuman sa testimonyang ito ni SPO4 Vicente. Tama ba ang mababang hukuman?
Mali. Iligal ang pagkakaaresto kay Hadji dahil walang warrant of arrest at walang sapat na dahilan upang arestuhin ito. Hindi naman siya gumagawa ng anumang krimen. Kumakain lang siya ng halo-halo. Ang pagkatambok ng kanyang baywang ay hindi sapat upang siyay paghinalaan at agad arestuhin ng walang warrant. Bukod dito, ang testimonya ni SPO4 Vicente ay salu-salungat. Hindi niya matandaan man lang kung ano ang suot na palatandaan nila sa suspect. Kinontra rin niya ang kanyang sarili nang sinabi niyang hindi pala siya ang kumumpiska ng baril kundi yung kasama niya na hindi man lang niya matandaan ang pangalan. Hindi kapani-paniwala si Vicente kaya dapat pawalang-sala si Hadji. (People of the Philippines vs. Bansil G.R. No. 120163 March 10, 1999)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended