Aniya, kaya nais ni Presidente Estrada na mapawalang-bisa ang death penalty ay "takot siyang mabitay".
"Bakit naman?" ang tanong ko.
"Sa laki ng kanyang nakulimbat, malamang makasuhan siya ng plumber na pinarurusahan ng bitay," ani Dudong.
"Baka plunder ang ibig mong sabihin. Ang plumber ay eksperto sa tubo," sabi ko habang akoy ginugupitan niya.
"Parehas din iyan, bay," aniya. "Ikspirto rin sa paggamit ng tubu si Irap para sepsepin ang milyun-milyung pisong ginagastus sa luhu ng kanyang mga tsikabebs," ang walang gatol na pakli ni Dudong.
"Di ba niya alam na iyan ay ikunumik sabutas,," dagdag pa niya habang mababasa sa kanyang anyo ang matinding galit sa Pangulo.
"Economic sabotage," ang pagtutuwid ko.
"Prehas din iyan bay. Dahil sa kalukuhan niya, nagkabutas-butas ang ikunumi," aniya pa.
"Huwag mo namang hatulan ang Pangulo dahil isinusulong na naman ang paglilitis sa kanya," ika ko.
Di na kumibo si Dudong.
Unay ibinaba ng Pangulo sa life imprisonment ang hatol na bitay sa lahat ng death convicts. Ito raw ay kaugnay sa pagdiriwang ng Iglesia Katolika ng Jubilee Year.
Ngayon, sinabi ng Pangulo na dahil marami ang tutol sa bitay, sesertipikahan niya sa Kongreso ang panukalang-batas para maibasura na ang death penalty.
Si Cory Aquino ang unang nag-alis sa parusang bitay nang siyay Pangulo pa. Tumaas ang bilang ng mga karumal-dumal na krimen kasunod nito.
Dahil ditoy ibinalik ang bitay sa pamamagitan ng lethal injection noong panahon ni Ramos. Marami na ang nasampolan. Unang-una rito ang rape convict na si Leo Echegaray.
Wa epek pa rin! Hindi bumaba ang bilang ng mga karumal-dumal na krimen. Tumaas pa nga yata.
Marahil ngay tamang ibasura na ang bitay. Hindi naman ito nakababawas sa mga karumal-dumal na krimen.
At iyan ang ibig mangyari ng Pangulo.
Pero ano ba ang motibo niya? Datiy nagmamatigas siya sa paniniwalang ang mga gumagawa ng buktot na krimen ay dapat magbayad sa pamamagitan ng sariling buhay.
Kung hindi siya napasok sa ganitong mabigat na problema, siguro hindi niya pag-iinteresang alisin ang parusang bitay.
Ngayon nga namay natuwa sa kanya ang simbahang Katoliko. Pati si Cardinal Sin na dumadapurak sa kanya nooy tuwang-tuwa na ngayon. Pati nga ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ay pumapalakpak na rin sa kanya.
Ito ang impresyon ng marami sa ginawa ng Pangulo: Ibig niyang gumawa ng heroic deed upang makapangalap ng suporta. Pero paano naman yung mga biktima ng mga brutal na krimen na umaasang ang mga umagrabyado sa kanilay malalapatan ng pinakamabigat na parusa?
Bukod sa mga sektor na relihiyoso, ang maaaning suporta ni Erap ay mula sa mga kriminal na ngayoy tiyak kong magiging napakaligaya ng Pasko. (email: alpedroz@hotmail.com)