^

PSN Opinyon

Pasko na naman

-
Malamig ang simoy ng hangin na naghuhudyat ng pagsapit ng Pasko. Nakakarinig tayo ng mga himig pamasko sa radyo at ang mga bata ay nagka-caroling. Kahit papaano, mayroon na silang pambili ng tinapay at kendi at sa pagsisimbang-gabi ay kakain sila ng puto-bumbong at iba pang kakanin na tinda sa maliliit na pondahan na malapit sa simbahan. Masayang pagmasdan ang isang mag-anak na sama-samang nagsisimbang-gabi bilang pagtalima sa isang matandang kaugaliang Pilipino.

Sa Paskong ito bagamat naghihirap sa buhay ay patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran. Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging matatag sa anumang hirap at mga pagsubok na dumarating. Magkakapit-kamay at sama-samang hinaharap ang anumang pagsubok at sa pagkakaisa ay natatamo ang minimithi maging anuman iyon. Hindi maipagkaila na sa panahong ito ay marami ang mahihirap na lalong naghihirap. Patuloy ang pagbulusok ng piso at pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Damang-dama ang paghihirap at pagkakawatak-watak ng mga kaisipan at pananaw tungkol sa pamamalakad ng pamahalaan.

Isang ina ang naluluhang nagsaad na naaawa siya sa kanyang mga anak dahil sa Paskong ito ay "walang-wala" sila dahil kasama ang kanyang asawa sa mga natanggal sa trabaho. Hindi tulad ng mga nakaraang Pasko na marami silang handang pagkain sa noche buena, magaganda ang kasuotan nila at marami silang tinanggap na regalo subalit sa kabila ng lahat, maligaya rin nilang ipagdiriwang ang Paskong ito kahit salat sila sa yaman. Nagpapasalamat sila sa Diyos dahil sila’y humihinga at walang karamdaman at sa puso nila’y namamahay ang pag-ibig na tunay na diwa ng Pasko.

DAMANG

DIYOS

ISANG

KAHIT

MAGKAKAPIT

PASKO

PASKONG

PILIPINO

SA PASKONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with