^

PSN Opinyon

Nawawalang bagahe

-
Ang letter ay galing kay Geneses Magpala ng Olongapo City.
Sumulat po ako upang ihingi ng payo ang pinsan kong si Dodong. Umuwi po si Dodong nitong Marso galing Saudi para magbakasyon. Nang kukunin na po ni Dodong ang kanyang bagahe, napansin po ni Dodong na ang dalawa sa kanyang mga maleta ay nawawala.

Nang araw din pong iyon, ini-report ni Dodong ang pagkawala ng kanyang mga maleta. Nag-fill up si Dodong ng ‘‘lost baggage claim’’ form at sabi ng mga tauhan sa airport ay kaagad nilang tatawagan si Dodong oras na makita nila ang mga maleta. Ayon po sa isang insider sa airport, malamang na naiwan ang bagahe ni Dodong sa eroplano na magtutungo naman sa Japan.

Naka-balik na po si Dodong sa Saudi ay wala pa rin ang kanyang mga maleta wala pa ring malinaw na resulta kung kailan ito makukuha.

Maaari ba kaming kumatawan kay Dodong sa pag-aasikaso ng nawawala niyang maleta? Maaari ba naming kasuhan ang airline kung saan isinakay ni Dodong ang kanyang mga maleta?


Maaari kang kumatawan sa iyong pinsan tungkol sa nawawala niyang bagahe. Ang pagkatawan mo sa kanya ay dapat may written authorization.

Ang pagsampa ng kaso para sa danyos dahil sa pagkawala ng bagahe ay dapat gawin nang personal ng iyong pinsan na ire-representa ng pinili niyang abogado.

Ayon sa Art. 1735 ng ating Batas Sibil ang mga common carriers ay dapat na mag-obserba ng extra-ordinary diligence sa pagdala ng mga bagahe ng mga pasahero. Itong extraordinary diligence ay mag-uumpisa sa pagbigay at pagtanggap ng bagahe sa kanilang posesyon hanggang sa pagtanggap ng taong may-pag-aari nito.

AYON

BATAS SIBIL

DODONG

GENESES MAGPALA

MAAARI

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with