Ang TMJD at si Dr. Noel Velasco
December 10, 2000 | 12:00am
Ang milk teeth ay hindi dapat bunutin. Kung ito ay may butas dapat na pastahan agad at kung matanggal ay dapat malagyan ng temporary teeth para huwag magkaroon ng espasyo na makaapekto sa pagtubo ng permanent teeth. Ang milk teeth ay nagsisilbing pundasyon ng permanent teeth. Paulit-ulit na sinabi ni Dr. Velasco na ang ngipin hanggat maisi-save ay huwag bunutin.
Nalaman ko rin kay Dr. Velasco na ang pagkakaroon ng sungki-sungking ngipin ay namamana kaya kapag ang magulang ay sungki-sungki ang ngipin huwag nang magtaka kung may anak na magmamana ng sungki-sungking ngipin. Ang pagkagat ng mali ay dapat na agad na iwasto dahil itoy magbubunga ng TMJD.
Tinatalakay din ni Dr. Velasco ang tungkol sa gingivitis o gum problem. Batay sa research, siyam sa 10 Pilipino ang may problema sa gilagid at hindi nila ito nalalaman. Itoy napag-alaman sa pinakahuling survey ng Department of Health tungkol sa general oral health condition sa bansa. Malaking porsiyento ng mga may gingivitis ay nagbuhat sa mga rehiyon ng Caraga at Mindanao.
Ayon kay Dr. Velasco ang gingivitis ay malalaman kapag ang gilagid ay namumula, namamaga at dumudugo. Itoy dahil sa tinatawag sa plaque lodged in teeth surfaces at kapag napabayaan ay magiging dahilan ng tuluyang pagkasira ng ngipin. Ipinapayo ni Dr. Velasco ang araw-araw na pagsisipilyo. Makatutulong din ang regular use of oral gargles, mouthwash and rinses at dapat na magpasuri sa dentista tuwing anim na buwan. Bilin din ni Dr. Velasco na huwag maninigarilyo at huwag uminom ng alak kapag namamaga ang gilagid. Ugaliing kumain ng well-balanced diet at iwasan ang matatamis na pagkain at inumin.
Sa mga may balak magpatingin at magpagamot kay Dr. Velasco, ang kanyang klinika ang V.M. Dental Hospital ay nasa Cainta at matatawagan sa tel. Nos. 615-2559, 678-2361 at 240-2633. Hanapin si Zeny.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended