Ayon sa ating bubuwit, 17 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Jun Marin ng DZRH; Riza Carlos, Jose Roy Basmayor ng MBC; Concepcion Ching Ilagan from Tito, Aris, Mayet and Jess; VW Rey Banaag, WB Resty Padilla Sr. at Precious Rochelle Gan.
Happy wedding anniversary kina Apple and Pitchie Maranba at advance happy wedding kina Patricia Go at Dino Nisce ng Philippine Rabbit. Ikakasal sila sa January 13, 2001.
Binabati ko rin sina Grace Barrameda, Prisci Pinera, Edwin Muyano, Sig Catingub at ang mga officers and staff ng Metrobank sa Tacloban at Laoag City branch.
Ayon kay Ambassador Amable Aguiluz III sa United Arab Emirates, hindi pa final ang hatol na bitay sa Ilocanang domestic helper na nakapatay sa kanyang among Arabo.
Ibinalita kasi ng pamilya Ramos na pupugutan na ng ulo si Mary Jane sa December 16, matapos mapatunayang ito ang pumatay sa kanyang amo sa pamamagitan ng pagsaksak ng 30 beses dito.
Sinabi ni Aguiluz na meron na siyang sulat sa hari ng UAE para mabigyan ng pardon si Mrs. Ramos.
Sana ay mapatawad siya katulad ni Sarah Balabagan.
Ayon sa aking bubuwit, puro mga rich and famous na government officials ang mga may log cabins sa nasabing lugar.
Di ba napabalita na meron umanong dalawang log cabins dito si President Estrada. Yung isa rito ay nakunan pa ng litrato na may seal ng Office of the President. Pero, itinanggi naman ito ng Presidente at ang may-ari diumano ay ang kapatid ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na si Manny Zamora.
Ang ilan sa mga opisyal ng pamahalaan at artista na nakabili na ng log cabin sa tinaguriang ngayong Voice of America Village sa Baguio City ay kinabibilangan nina…
Action King Fernando Poe Jr., Manny Zamora under the name of Manta Equity Inc.; Ricky Razon, Frederick Dy, businessman Manny Pangilinan at ang presidential friend na si Jacinto Ng.
Kabilang din umano rito sina dating House Speaker Manny Villar under Adelfa Properties; Wilson Sy, William Gatchalian, Ramon Ang, Dante Tan, Willy Oder, Jaime Dichavez, Manny Tan at Lucio Co.
Ang malungkot dito ang nasabing subdivision na kinaroroonan ng VOA ay hindi na tinatawag ngayon ng mga taga-Baguio City na Voice of America Village kundi ‘‘Voice of Alligators Village.’’