^

PSN Opinyon

25 log cabins sa Baguio, 16 pa lamang ang nabibili

-
Alam n’yo bang 16 pa lamang ang nabibili sa 25 log cabins na nakatayo sa dating lugar ng Voice of America (VOA) sa Baguio City?

Ayon sa ating bubuwit, 17 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Jun Marin ng DZRH; Riza Carlos, Jose Roy Basmayor ng MBC; Concepcion Ching Ilagan from Tito, Aris, Mayet and Jess; VW Rey Banaag, WB Resty Padilla Sr. at Precious Rochelle Gan.

Happy wedding anniversary kina Apple and Pitchie Maranba at advance happy wedding kina Patricia Go at Dino Nisce ng Philippine Rabbit. Ikakasal sila sa January 13, 2001.

Binabati ko rin sina Grace Barrameda, Prisci Pinera, Edwin Muyano, Sig Catingub at ang mga officers and staff ng Metrobank sa Tacloban at Laoag City branch.
* * *
Magandang balita para sa pamilya ni Mary Jane Ramos ng San Agustin, Isabela.

Ayon kay Ambassador Amable Aguiluz III sa United Arab Emirates, hindi pa final ang hatol na bitay sa Ilocanang domestic helper na nakapatay sa kanyang among Arabo.

Ibinalita kasi ng pamilya Ramos na pupugutan na ng ulo si Mary Jane sa December 16, matapos mapatunayang ito ang pumatay sa kanyang amo sa pamamagitan ng pagsaksak ng 30 beses dito.

Sinabi ni Aguiluz na meron na siyang sulat sa hari ng UAE para mabigyan ng pardon si Mrs. Ramos.

Sana ay mapatawad siya katulad ni Sarah Balabagan.
* * *
Alam n’yo bang 16 pa lamang ang nabibili sa 25 log cabins na nakatayo sa kinaroroonan ng dating Voice of America (VOA) sa Baguio City?

Ayon sa aking bubuwit, puro mga rich and famous na government officials ang mga may log cabins sa nasabing lugar.

Di ba napabalita na meron umanong dalawang log cabins dito si President Estrada. Yung isa rito ay nakunan pa ng litrato na may seal ng Office of the President. Pero, itinanggi naman ito ng Presidente at ang may-ari diumano ay ang kapatid ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na si Manny Zamora.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sa naitayong 25 log cabins sa compound ng VOA, 16 pa lamang ang nabibili rito.

Ang ilan sa mga opisyal ng pamahalaan at artista na nakabili na ng log cabin sa tinaguriang ngayong Voice of America Village sa Baguio City ay kinabibilangan nina…

Action King Fernando Poe Jr., Manny Zamora under the name of Manta Equity Inc.; Ricky Razon, Frederick Dy, businessman Manny Pangilinan at ang presidential friend na si Jacinto Ng.

Kabilang din umano rito sina dating House Speaker Manny Villar under Adelfa Properties; Wilson Sy, William Gatchalian, Ramon Ang, Dante Tan, Willy Oder, Jaime Dichavez, Manny Tan at Lucio Co.

Ang malungkot dito ang nasabing subdivision na kinaroroonan ng VOA ay hindi na tinatawag ngayon ng mga taga-Baguio City na Voice of America Village kundi ‘‘Voice of Alligators Village.’’

ACTION KING FERNANDO POE JR.

AYON

BAGUIO CITY

MANNY ZAMORA

VOICE OF AMERICA

VOICE OF AMERICA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with