Clean Air Act: Palpak!
December 8, 2000 | 12:00am
Mukha yatang umipekto na sa utak ng 6, 601 first year high school students ang nakalalasong usok na ibinubuga ng mga sasakyan dahil sa ipinamalas na kahinaan ng mga ito sa Third International Mathematics at Science Study-Repeat (TIMSS-R) noong 1999.
Alam nyo ba na pang-36 na puwesto ang nakuha ng mga Pilipinong estudyante sa 38 bansang lumahok sa TIMSS-R. Naka-score ng 350 points sa math at 349 points sa science ang mga estudyanteng Pinoy.
Ang masakit, tinalo pa tayo ng mga estudyante mula sa mga bansang maliliit. Ang Taiwan ay umiskor sa Math ng 585 at sa Science ay 569. Ang Singapore naman ay 604 (M) at 568 (S). Ang Malaysia ay 519 (M) at 492 (S). Ang Thailand 467 (M) at 482 (S) at Indonesia ay 403 (M) at 435 (S).
Noong 1995, lumalabas sa pag-aaral na pang-41 sa science at pang-39 naman sa mathematics ang Pinas sa 42 bansa na lumahok sa TIMSS-R. Walang nakitang pagbabago ang ating mga estudyante.
May nagsasabing, magkakaroon daw nang pagbabago ang mga kabataang estudyante sa darating na taon. Ito ay sa dahilang karamihan sa mga mag-aaral na kabataan ay nagsimulang pumasok sa eskuwelahan sa murang edad. At ang isa pang dahilan ay lalo pang paglubha ng air pollution na nakaaapekto sa mga estudyante. Siguradong mas malala na ang nakalalasong usok sa Metro Manila pagkaraan ng 2000 dahil sa hindi na mapigil ng gobyerno ang paglipana ng bulok na sasakyan sa mga lansangan.
Dapat na isisi sa pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang paglaganap ng mga bulok na sasakyang nagbubuga ng maitim na usok. Sila ang nagbibigay ng linya sa mga operators.
Ito marahil ang epekto ng elementong Zinc na nakahalo sa maitim na usok mula sa mga sasakyan.
At kapag walang ginawang epektibong paraan ang gobyerno para ipatupad ang Clean Air Act, darating ang araw na mas mababa pa ang makukuha ng ating mga estudyante sa TIMSS-R.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended