^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nabubulabog ang mga sundalo

-
Naguguluhan ang mga sundalo at hindi maitatatwang nadamay na sila sa gulong nilikha ng jueteng scandal. Sa isang dako’y nakapag-iisip din naman sila sa uri ng pamumuno ng kasalukuyang administrasyon na napabalitang may ‘‘tinitingnan’’ at ‘‘tinititigan’’ sa pagbibigay ng promotion. Hindi lamang ang military ang nalilito, maging ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay diskuntento rin sa kasalukuyan. At kapag sa isang organisasyon ay may namumuong pagkadiskuntento, nagkakaroon ng usok ng haka-haka at bago pa man masugpo ay malaki na ang apoy at sumisira. Ganito ang nangyari sa panahon ng diktaduryang Marcos na naging dahilan para umusbong ang poot ng mga nakauniporme na sinuportahan ng mga civilians at nagsilang sa mapayapang people power revolution.

Umiigting ang political crisis at inaasahang titindi pa habang isinasagawa ang impeachment trial laban kay President Estrada. Kahapon sinimulan ang trial at inaasahang matatapos ito sa kalagitnaan ng January. Lalo namang dumarami ang mga anti-Estrada protesters at lumalakas ang panawagan nilang magbitiw na si Estrada.

Isa sa pinakabagong grupo na nagpakita ng paglaban kay Estrada ay ang mga retired generals ng Armed Forces of the Philippines. Nanawagan ang mga retired generals sa mga sundalo na huwag nang suportahan si Estrada. Ang mga retired generals ay sina Fortunato Abat, Jose Almonte at Ramon Montaño.

Sinabi naman ni National Security Adviser Alexander Aguirre na ang sinumang sundalo na lalahok sa mga protesta bilang pagsunod sa panawagan ng mga retired generals ay iko-‘‘court martial.’’ Ipinahayag ito ni Aguirre nang lumutang ang balitang may mga sundalong nag-file na ng leave para sumama sa mga protest rally.

Mabigat ang banta ni Aguirre na magdadagdag sa kalituhan ng mga sundalo. Baka magkawatak-watak na kung hindi magiging maingat ang mga namumuno. Baka sumingaw na ang init ng pagkadiskuntento at iba pang problema sa kanilang hanay. Hindi ito dapat ipagwalang-bahala.

Nabalita rin naman na binabantayan na sa PNP ang PMA Class ’76 at ’78. Diskuntento na umano ang mga klaseng ito dahil sa hindi magandang pamamalakad ni PNP Chief Director Panfilo Lacson. Ang iba’y nasasaktan sa hindi makatwirang pagpo-promote ni Lacson na marami sa kanila ang nahahakbangan. Hindi ito dapat.

Dapat makita ng administration ang pagkadiskuntentong ito upang masugpo ang usok ng haka-haka at hindi na lumaki ang apoy. Ngayong matindi ang political crisis, dapat maging maingat na walang matapakan, walang maagrabyado at walang masaktan.

AGUIRRE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF DIRECTOR PANFILO LACSON

FORTUNATO ABAT

JOSE ALMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with