Ninakawan ng katulong
December 8, 2000 | 12:00am
Ang letter ay galing kay Marvin ng Lipa City Batangas.
Ako po ay isang balikbayan na nakapag-asawa ng isang Aleman. Minabuti naming mag-asawa na dito permanenteng manirahan dahil nagustuhan ng aking asawa ang klima dito lalo sa aming probinsiya. Nang buo na ang desisyong manirahan dito ay lumuwas po ako sa Maynila at nagtungo sa Cubao upang kumuha ng tatlong katulong mula sa isang agency. Inirekomenda ito sa akin ng aming kumare.
Nagbayad po ako ng mahigit P50,000 para sa mga katulong, sa simula po ay okay naman ang kanilang trabaho, walang problema. Subalit pagkalipas po ng dalawang linggo ay nilayasan kami ng tatlong katulong at ninakawan pa kami.
Ipina-blotter namin ang mga pangyayari sa pulis at pinagpayuhan kaming magsampa ng kaukulang reklamo sa agency kung saan kinuha naman ang mga katulong. Subalit nadismaya kami sapagkat ayaw pong panagutan ng agency ang mga ginawa ng katulong.
Ano po ang dapat naming gawin? Maaari po ba naming idemanda ang agency o di kayay pagbayarin sa mga perwisyong idinulot sa amin? Mayroon po bang batas na nagbibigay proteksyon naman sa mga amo ng mga katulong?
Kailangang basahin mo ulit ang kontrata na pinirmahan mo at ng ahensiyang nagbigay ng katulong sa iyo. Kung mayroong probisyon sa kontrata na nagbibigay ng warranty na maaring palitan ang katulong sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, maaari kang mabigyan uli ng kapalit na katulong.
Kung ang pagnanakaw ng mga katulong naman ang pag-uusapan, ang ahensiya ay hindi makakapag-garantiya ng personal at ilegal na gawain ng mga katulong dahil ang responsibilidad ng ahensiya ay ang pagbigay ng katulong lamang.
Maaari ka namang magsampa ng kaso ng theft laban sa mga katulong sa ilalim ng batas kriminal natin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest