Ayon sa aking bubuwit, 19 days na lang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kina Nicanor Elman, Dona Resty Elman at Nida Mortel from Paul Mortel.
Congratulations sa mga officers ng T.M. Kalaw Lodge No. 136 na sina MW Alberto Burdeos, SW Eulalio Lorenzo, JW Rogelio Torrices, Treasurer-Jonilo Suplico, Secretary-WB Art Cacal at Auditor-WB Boy Alvarez.
Congratulations din kay Fr. Jerry Orbos sa launching ng kanyang bagong librong "Shared Moments" sa Dec. 8, alas-4:00 ng hapon sa Christ the King Seminary, Quezon City.
Ang sagot ko naman sa kanya, kahit pa mga contractual employees yan, obligasyon nyo rin sir na tingnan ang kanilang mga benepisyo katulad ng kanilang SSS, vacation leave, sick leave, maternity leave at iba pa.
Asikasuhin nyong mabuti Mr. Celdran at baka magalit ang mga yan at lasunin ang mga opisyal ng gobyerno na kumakain diyan.
Ayon sa aking bubuwit, noong Biyernes (December 1), dakong alas-8:00 ng gabi, inagawan ng sasakyan ang isang opisyal ng NBI sa Blumentritt St., Tondo, Manila. Ito ay nangyari malapit sa riles ng tren.
Papatawid na ng riles ang Mitsubishi Adventure ng NBI official nang biglang humarang ang isang Mitsubishi L-300 van at bumaba ang limang armadong kalalakihan. Lumapit ang isang lalaki sa driver ni NBI officer at kinatok ang salamin sa pamamagitan ng hawak na kalibre .45.
"Baba ka diyan, kailangan kong sasakyan mo," sabi ng lalaki.
Dahil nakatutok din sa kanila ang M-16 rifle ng apat pang suspect, hindi na nanlaban ang dalawa. Ibinigay na lamang ang bagumbagong Mitsubishi Adventure na kulay blue na wala pang plaka. Naka-conduction sticker lamang.
What is happening to our country?
Ayon pa sa aking bubuwit, ang opisyal ng NBI na inagawan ng sasakyan at baril ng limang kalalakihang armado ay walang iba kundi si...
Grabe, ang tatapang ng mga walanghiya! Wala silang pakialam kahit nagkakatrapik-trapik na sa Blumentritt at kahit nakatingin ang maraming tao.
Ang inagawan ng sasakyan at baril ay si...
Nakakahiya naman, hindi ko na babanggitin ang kanyang pangalan, top official pa naman, initials na lang.
Ito ay walang iba kundi si Atty. F. as in Ferdinand.