Ang TMJD at si Dr. Noel Velasco
December 6, 2000 | 12:00am
Ano ang TMJD at sino si Dr. Noel Velasco?
Ang TMJD ay abbreviation ng Temporo Mandibular Joint Disorder. Ito ay makabagong pamamaraan sa panggagamot at pangangalaga ng ngipin. Si Dr. Noel N. Velasco ang nagpalaganap nito sa bansa at sasabihin kong malaking karangalan na sa aking public service television program Mahal unang lumabas si Dr. Velasco. Ipinaliwanag niya ang tungkol sa TMJD. Si Dr. Velasco ay isang Dento Facial and Jaw Joints specialist. Nagtapos siya ng dentistry sa University of the Philippines noong 1984 at nagpakadalubhasa sa Vancouver, British Columbia, New Orleans, at Riyadh, Saudi Arabia. Ang kanyang maybahay na isa ring internationalist dentist ay si Dr. Helen M. Velasco. Sila ang may-ari ng V.M. Dental Hospital na nasa Karangalan Village, Cainta, Rizal. Nagpakadalubhasa silang mag-asawa sa general dentistry, cosmetic dentistry, orthodontics, orthopedics, periodontics (gum problems) at pediatric dentistry.
Ayon kay Dr. Velasco ang ating ngipin ay napakahalagang sangkap ng ating katawan. Kapag masakit ang ating ngipin ay hindi tayo mapakali, naiirita at nayayamot tayo at hindi makakapagtrabaho ng husto at hindi makakain. Pag sumakit ang ngipin natin ay sumasakit na rin ang ating ulo at ibang parte ng katawan.
Ayon pa kay Dr. Velasco ang ating mga ngipin ang nagdidikta ng posisyon ng ating panga. Our teeth dictate the position of our jaw at sa pangyayaring ito ay madalas na ang pagkibo ng ating panga ay nasa maling puwesto o ang tinatawag na wrong direction. May pagkakataong ang mukha natin ay tumatabingi at itoy may koneksyon rin sa TMJD. Dapat na ma-align ang mga nakatabinging ngipin at dapat na maiwasan ang pagkakaroon ng tinatawag na cross-bites o maling pagkagat.
Maraming karamdaman gaya ng sobrang pagsakit ng ulo, pananakit ng leeg at lalamunan at ang problema sa pag-ihi ay may koneksyon sa TMJD at itoy batay sa mga problema ng mga naging pasyente ni Dr. Velasco na sa kanyang paraan ng panggagamot ng ngipin ay gumaling. Gayon na lang ang pasasalamat nila kay Dr. Velasco na ayaw na ayaw bubunutin ang ngipin dahil naniniwala siya na ang ngipin kapag nabunot na ay hindi na mapapalitan ng bagong tubong ngipin. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended