^

PSN Opinyon

Foreigner na nahulihan ng shabu

-
Ang letter ay galing kay Domeng ng Gen. Santos City.

Sumulat po ako para ipagbigay-alam ang nangyari sa aking kaibigang Amerikano na itatago ko na lamang sa pangalang, Mark.

Nagpunta po si Mark dito sa Pilipinas upang magbakasyon. Sa Davao po kami nagpunta dahil ito ang isa sa kanyang paboritong lugar.

Gabi po noon at papauwi na kami nina Mark at ng isa ko pang kaibigan nang mapadaan ang aming taksi sa isang checkpoint. Cool na cool lamang kaming lahat at nagkakatuwaan pa nang pababain kami ng mga pulis mula sa taksi upang kapkapan.

Wala po silang nakita sa amin, subalit nang buksan nila ang clutch bag ni Mark, may nakuha raw silang isang gramo ng shabu.

Mariin po itong itinanggi ni Mark subalit hindi po siya pinaniwalaan. Nabigla kaming lahat sa paratang ng mga pulis kay Mark. Nang i-blotter ang kaso sa presinto, kinunan ng letrato si Mark pati ang ebidensiya.

Kinabukasan, nang magtungo kami sa piskalya, wala po ang ebidensiya.

Maaari bang kasuhan ng korte si Mark gayong wala namang ebidensiya? Sapat na po ba ang letrato para kasuhan si Mark?


Ang kaso na maaaring isampa kay Mark ay ang paglabag sa dangerous drugs Act, kung saan ang mere possession ng ipinagbabawal na gamot ay isang krimen.

Dahil si Mark ay isang dayuhan, ang deportasyon sa kanya pagkatapos masilbihan ng pagkakulong (6 na taon hanggang 12 na taon) at pagbayad (fine: P6,000 to 12,000) at ang mga karagdagang penalidad.

Ngunit, pagdating sa presentasyon ng kaso, ang kailangang gawin ng abogado ni Mark ay ipagpilitan na walang ebidensiya (shabu) na maipakita ang kabilang panig upang madismiss ang kaso at mapawalang-sala si Mark. Dahil ang krimen ay illegal possession ng bawal na gamot kaya’t importante na ang bawal na gamot ay pisikal na maipakita para ma-eksamen ng chemist kung totoo ngang ito ay bawal na gamot.

Papaano pong mapapatunayan na ‘‘planted’’ lamang ang ebidensiya laban kay Mark?


Dapat mapatunayan sa preliminary investigation na hindi maipakita ng pisikal ang bawal na gamot na sinasabing nakuha kay Mark. Magpresinta rin ng mga ebidensiya na hindi gumagamit si Mark ng bawal na gamot, kagaya ng medical certificate galing sa kanyang doktor at iba pa.

AMERIKANO

DAHIL

DAPAT

DOMENG

EBIDENSIYA

GAMOT

KINABUKASAN

MARK

SA DAVAO

SANTOS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with