EDITORYAL - Hanapin si Dacer
December 3, 2000 | 12:00am
May isang linggo nang nawawala ang public relation practitioner na si Salvador "Bubby" Dacer subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na kasagutan sa kanyang pagkawala. Walang magawa (o walang ginagawa) ang Philippine National Police (PNP) sa misteryosong pagkawala. Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay pagong din sa pag-iimbestiga at tanging ang cartographic sketch ng isang suspect ang nai-produce. Maraming haka-haka sa pagkawala ng "taong naka-puti". May nagsasabing "moro-moro" lang ang pagkawala nito at may nagsasabi namang "pinatahimik" na. Subalit nino?
Kung ang PNP at NBI ay hindi gumagawa ng aksiyon o mabagal sa paggawa ng aksiyon, mas kataka-taka naman ang pagiging tahimik ni President Estrada sa kaso. Ang tanging nasabi ni Estrada rito ay nagkausap sila ni Dacer tatlong araw bago ito mawala. Iyon lamang. Maski sa mga pagbisita ni Estrada sa kung saan-saang lugar nitong nagdaang linggo ay wala siyang nababanggit kay Dacer. Parang wala siyang malasakit kay Dacer. Ito ay sa kabila na kumpare niya si Dacer. Hindi bat mabait na kaibigan o kumpare si Estrada anot ngayoy tila tahimik siya sa pagkawala ng PR man na minsay nagsilbi rin kay dating President Fidel Ramos.
Umiiyak na humihingi ng tulong kay Estrada ang anak ni Dacer na si Ampy Dacer-Henson na hanapin ang ama at ang driver na si Manuel Corbito. Si Amy ay inaanak sa binyag at kasal ni Estrada. Bilang "pangalawang ama" umaasa si Amy sa kanyang ninong Erap na gagawa ito ng paraan upang ligtas na maibalik ang nawawalang ama.
Nagtataka ang mga anak ni Dacer sa bagal na pagkilos ng mga awtoridad para hanapin ang kanilang ama. Wala anilang coordination sa paghahanap dito. Tanging ang puting Toyota Revo ni Dacer ang natagpuan sa isang bangin sa Maragondon, Cavite. Malaki ang paniwala ng mga anak ni Dacer na buhay pa ang kanilang ama.
Kung ang pagkawala ni Dacer ay isang gimik upang mailigaw ang taumbayan sa totoong isyu ngayon, isa itong masamang gimik na dapat ihinto. Hindi naman makabubuti sa administrasyon ni Estrada kung patuloy na magsasawalang-kibo sa misteryosong pagkawala ni Dacer. Ang mga misteryosong pagkawala ay naganap na noong panahon ng diktaduryang Marcos at hindi na muli pang gugustuhin ng taumbayang mangyari uli ito. Naghahanap ng katahimikan ang taumbayan. Patay na si Marcos at patay na rin ang karahasan bakit muling nangyayari ang mga ganitong senaryo sa kasalukuyan. Hanapin si Dacer at ibalik sa kanyang pamilya upang makamit ang kapayapaan ng kalooban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest