^

PSN Opinyon

Si Heneral at ang seksing sekretarya

-
Kung nahihirapan ang mga kontratista na makapasok ng kani-kanilang produkto sa mga opisina ng Philippine National Police (PNP), wala na silang sinisisi kundi ang maputi at balingkinitang sekretarya sa isang unit ng pulisya sa Camp Crame.

Si Seksing sekretarya kasi, anang aking espiya ay may relasyon sa kanyang among heneral kaya’t malaki ang papel niya sa mga pumapasok na kontrata.

Sinabi ng aking espiya na si Heneral ay malapit kay PNP chief Director General Panfilo Lacson kaya’t hindi siya magalaw-galaw. Hindi rin ako magtataka kung ang relasyon ng dalawa ay magiging ugat para lalong lumala ang napabalitang demoralisasyon sa hanay ng pulisya.

Alam na halos lahat ng opisyal ng PNP sa Camp Crame ang relasyon ni Heneral at ni Seksing sekretarya at kapag hindi pa umaksiyon si Lacson ukol sa dalawa, hindi ako magtataka kung maging isyu sila sa mga kumakalat na ‘‘white paper’’ sa kampo.

Ayon sa aking espiya, naputol na ang bawal na relasyon ni Heneral at sekretarya noong mga nagdaang taon. Kaya ko sinasabing bawal ay dahil itong si Sekretarya ay may asawa. Subalit nitong mga nagdaang buwan ay mukhang nagkabalikan sila at presto… biglang lumaki ang papel ni Sekretarya hindi lamang sa buhay ni Heneral kundi pati sa kanyang opisina.

Sinabi naman ng mga junior officers ng pulisya na aking nakausap na walang bukambibig si Sekretarya sa mga kontratista kundi kung magkano ang porsiyento niya sa mga ipinapasok nilang kontrata.

Garapalan na talaga ang modus operandi niya at kahit mga opisyal mismo ng pulisya ang lumalapit ay wa-epek pa. Pera-pera lang at walang personalan, anang seksing sekretarya sa mga nakausap niya.Takot namang magreklamo ang kontratista kaya’t minabuti nilang tumahimik na lamang.

Kaya pala nag-iipon ng malaking halaga si Sekretarya ay dahil may balak tumakbo bilang mayor sa isang bayan sa norte sa darating na eleksiyon ang kanyang asawa. Gusto talagang mambili ng boto itong si Sekretarya para mapaupo ang asawa niya. Sobrang buwenas naman ng mga residente sa bayan nila at makikinabang sila ng husto no?

Ang masama pa, anang aking espiya, ay ginagamit ni Heneral at sekretarya ang opisina nila para mag… alam n’yo na. Ang milagro nila ay hindi nakaligtas sa kanilang mga kaopisina subalit dedma lang ang mga ito. Siyempre pa, malakas ’ata si Heneral kay Lacson kaya’t walang sabit.

Dapat imbestigahan ni Lacson itong relasyon nina Heneral at seksing sekretarya dahil imoral ito. At ng sa gayon hindi maakusahan ang liderato niya na may kinikilingan.

CAMP CRAME

DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

HENERAL

KAYA

LACSON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SEKRETARYA

SI SEKSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with