KRUSADA - Saan ka, Manoy Bubby Dacer ?
December 3, 2000 | 12:00am
Sa kabila ng kumukulong dramahan sa Senado hinggil sa pagdinig ng kasong impeachment laban kay President Estrada, dagdag pa rito ang araw-araw na mga demonstrasyon ng ating mga kababayan sa mga lansangan, may mga kaganapan ding tila lalo pang nagpapagulo sa kalagayan ng ating bayan.
Dalawang araw matapos makipagkita kay Estrada ang batikang PR practitioner na si Salvador ‘‘Bubby’’ Dacer sa Malacañang, kumalat ang balitang nawawala ito kasama ang kanyang driver na si Manuel Corbito.
Lalong umigting ang balita ukol sa pagkawala ni Dacer nang matagpuan ang isang puting Toyota Revo sa isang bangin sa Maragondon, Cavite. Ngunit walang bahid ng anumang anyo ng karahasan ang nasabing sasakyan, bukod sa basag na windshield nito. Malinis umano ang loob ng sasakyan, at wala ring plakang nakakabit dito.
Ngunit ang malaking palaisipan ngayon at pangamba na rin ng marami, ay ang kaugnayan ng pagkawala ni Dacer sa kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan. Si Dacer ay hinihinala umano ng ilan bilang utak sa pagsisiwalat ng mga balita laban sa pamunuan, na itinuturing ng pamahalaan bilang isang ‘‘destabilization plot’’.
Ang pagkawala ni Dacer ay naganap pa habang patungo ito sa kanyang tanggapan sa Manila Hotel upang makipagkita kay dating President Fidel Ramos. Sa mga lumalabas na balita, tila nailalarawan si Dacer na malapit sa Oposisyon, na kung saan ang bise-presidente at si dating National Security Adviser Jose Almonte ay mga kliyente rin daw ni Dacer.
Nagpahayag rin ng pangamba si Vice President Gloria Macapagal Arroyo ukol sa kaganapang nabanggit at umasa na ang pagkawala ni Dacer ay hindi maging hudyat ng panibagong yugto ng terorismo o pananakot sa ating lipunan.
Sa kabila ng utos ni Estrada na hanapin si Dacer, at sa kanyang pagkayamot sa biglaang pagkawala nito, nananatili pa rin ang mga sigaw na bumaba na ito sa puwesto.
Mula sa isang kapwa Bikolano, nananawagan rin ang inyong lingkod, ‘‘Saen ka na, Manoy Bubby?’’
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa inyong lingkod sa [email protected] o di kaya’y sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa Tel. No. 525-9126 loc. 13, 20 at 21, Telefax 525-6277.
Dalawang araw matapos makipagkita kay Estrada ang batikang PR practitioner na si Salvador ‘‘Bubby’’ Dacer sa Malacañang, kumalat ang balitang nawawala ito kasama ang kanyang driver na si Manuel Corbito.
Lalong umigting ang balita ukol sa pagkawala ni Dacer nang matagpuan ang isang puting Toyota Revo sa isang bangin sa Maragondon, Cavite. Ngunit walang bahid ng anumang anyo ng karahasan ang nasabing sasakyan, bukod sa basag na windshield nito. Malinis umano ang loob ng sasakyan, at wala ring plakang nakakabit dito.
Ngunit ang malaking palaisipan ngayon at pangamba na rin ng marami, ay ang kaugnayan ng pagkawala ni Dacer sa kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan. Si Dacer ay hinihinala umano ng ilan bilang utak sa pagsisiwalat ng mga balita laban sa pamunuan, na itinuturing ng pamahalaan bilang isang ‘‘destabilization plot’’.
Ang pagkawala ni Dacer ay naganap pa habang patungo ito sa kanyang tanggapan sa Manila Hotel upang makipagkita kay dating President Fidel Ramos. Sa mga lumalabas na balita, tila nailalarawan si Dacer na malapit sa Oposisyon, na kung saan ang bise-presidente at si dating National Security Adviser Jose Almonte ay mga kliyente rin daw ni Dacer.
Nagpahayag rin ng pangamba si Vice President Gloria Macapagal Arroyo ukol sa kaganapang nabanggit at umasa na ang pagkawala ni Dacer ay hindi maging hudyat ng panibagong yugto ng terorismo o pananakot sa ating lipunan.
Sa kabila ng utos ni Estrada na hanapin si Dacer, at sa kanyang pagkayamot sa biglaang pagkawala nito, nananatili pa rin ang mga sigaw na bumaba na ito sa puwesto.
Mula sa isang kapwa Bikolano, nananawagan rin ang inyong lingkod, ‘‘Saen ka na, Manoy Bubby?’’
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended