^

PSN Opinyon

Ano nga na ang kaso ni Erap (2)

-
Katangi-Tangi ang paratang na pagtataksil sa tiwala ng bayan sa kasong impeachment ni Joseph Estrada. Hindi lahat ng opisyal ay sakop ng probisyong ito ng Konstitusyon. Espesyal na tungkulin ng Presidente, Bise, mga senador at congressman, huwes ng Korte Suprema, Ombudsman, at pinuno ng COMELEC, CSC at COA ang pagtataguyod ng tiwalang bayan.

Apat ang sakdal sa paratang na ito:

• Nilihim ni Erap ang pagkuha ng katotong Dante Tan ng prankisa ng on-line bingo sa PAGCOR maski hindi pa rehistrado ang kompanya nito sa Securities and Exchange Commission (SEC) tapos, tinangka ni Erap ipatigil ang imbestigasyon ng SEC sa pandadaya ni Tan sa stock market.

•
Tinalikuran daw ni Erap ang madalas ipangakong ‘‘walang kamag-anak, kumpare, o kaibigan.’’ Pinalampas niya ang pang-aaway ng anak na si Jinggoy sa mga doktor ng isang ospital, at paggamit ni Jude ng presidential plane papuntang Cagayan de Oro kung saan nanuba ito ng hotel at restaurant bills. Hinirang ding presidential assistant ang pinsang Celia Ejercito de Castro, na minsa’y ikinailang kilala nang masabit ito sa P240-milyong textbook scam nu’ng 1999. Ginawang PAGCOR director ang bayaw na si Rufino Pimentel; UP regent ang isa pang bayaw na si Raul de Guzman, at presidential consultant ang pamangking si Robert de Guzman. Mahigit sandaang kumpare’t kaibigan din ang ginawang presidential adviser, consultant o assistant.
•
Tinalikuran din ni Erap ang linyang ‘‘para sa mahirap.’’ Walang inatupag kundi pagnenegosyo para sa sarili, sa maraming pamilya at sa mga kaibigan.

•
Binigyan ni Erap ng P100 milyon mula sa PCSO ang isang foundation na ang opisina ay sa bahay nila ni First Lady Loi Ejercito sa #1 Polk St., Greenhills, San Juan.

Dalawang sakdal ang sinampa sa paratang na lantarang pagsuway sa Konstitusyon:

•
Nilabag ni Erap ang sinumpaang tungkuling itaguyod ang batas, tulad ng Anti-Graft Law at Customs Code, nang binalatuhan niya ng puslit na luxury vans ang mga miyembro ng Gabinete at paboritong opisyal.

• Nilabag din niya ang probisyon ng Konstitusyon at desisyon ng Korte Suprema nang hirangin sa mahigit tig-isang puwesto sina Robert Aventajado, Ramon Cardenas, Magdangal Elma, Gaudencio Mendoza, Ric Tan Legarda at Raul ‘‘Bayaw’’ de Guzman.

vuukle comment

ANTI-GRAFT LAW

CELIA EJERCITO

CUSTOMS CODE

ERAP

GUZMAN

KONSTITUSYON

KORTE SUPREMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with