Biktima na biniktima pa !
November 30, 2000 | 12:00am
Isang biktima ng pamamaril sa Bgy. Molino 4, Bacoor, Cavite ang naging biktima ng patakarang "deposit muna bago gamutin" ng Metro South Medical Center sa nasabing lugar
Masamang-masama ang loob ng pamilya ng namatay na si Stanley Guanzon, 25, may asawa, dahil sa di magandang pagtratong ginawa sa biktima nang isugod ito noong nakaraang Nobyembre 24 dakong ala-1:30 ng madaling araw matapos mabaril ng di pa nakikilalang mga tricycle driver sa Citihomes Subd., Bgy. Molino 4.
Maraming ospital sa kahabaan ng Molino pero dahil pinakamalapit ang Metro South ay dito tiwalang isinugod ang biktima. Subalit sa halip na dalhin sa operating room at lapatan ng lunas, mas inasikaso ng staff na nakatoka ng mga oras na iyon ang paniningil ng deposito na isa umanong patakaran ng ospital. Wala ring doktor at nagtiyaga muna sa paglalagay ng dextrose habang ang bala na nakabaon pa rin sa katawan ng kawawang biktima ay naghihintay na matanggal ng mga doktor na di malaman kung saang lupalop tinawagan.
Okey lang sana na namatay ang biktima kung lahat ng paraan ay nagawa ng ospital na ito. Okey na sanang namatay ang biktima kung nakitaan mo ng attempt sa panig ng ospital na magsalba ng pasyente. Pero ang singilin ka pa ng halagang P4,000 sa serbisyong di mo naramdaman, ay tila sobra na!
Wala namang balak na maghabol ang pamilya Guanzon sa Metro South, ang ikinakasama lang nila ng loob ay imbes na ang mga staff nito ang mag-asikaso sa naghihingalong pasyente, ang mga kaanak na nagsugod sa biktima ang animoy mga doktor na naglapat ng first aid, habang ang staff ay tila natuka ng ahas na nakamasid lamang at galit pa kapag hinihingian mo ng mga gamit. Kung may batas na dapat igalang ang patay, paano naman ang kaso nitong si Stanley na hindi nirespeto ang kalagayan noong buhay pa?
Dapat pa ngang magpasalamat ang Metro South dahil mabait ang pamilya Guanzon na sa kabila ng "pambabastos" sa nag-aagaw-buhay na pasyente ay nagawa pa rin nilang ipasa-Diyos na lamang ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.
Kung nangyari ito kay Stanley, wag namang mangyari sa iba pang pasyente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended