Hindi kasi nangyayari ang tatlong kamatayan sa isang angkan sa loob na sunud-sunod na tatlong buwan. Kaya maraming haka-haka ang nabuo sa mga taga-nayon.
Ang lolo ng magsasaka ang unang namatay. Sabagay ay halos 100 na ang edad at maysakit nang matagal. Kaya madaling tanggapin ang naging pagkamatay nito.
Sumunod na buwan ay bigla namang namatay ang ama ng magsasaka. Wala itong sakit at napakalakas. Ang paniwala ng marami ay tinamaan ito ng kidlat habang nasa bukid.
Sumunod na buwan ay ang anak na binata naman ng magsasaka ang namatay. Kinagat daw ng ulupong habang tumutulong sa pagsaka sa bukid.
Kaya tatlong kamatayan na lahat ay nangyari sa kanilang bukid.
Sabi ng ahente ng pataba na dumalaw sa magsasaka pagkaraang mailibing ang huling namatay, ‘’Nakikiramay ako sa tatlong namatay sa iyong pamilya. Siguro dapat lumipat na kayo ng bukid. Mukhang malas. Doon namatay ang lolo mo, ang tatay mo at ang iyong anak. Umalis na kayo sa bukid sapagkat malas ito."
‘’Maraming salamat. Pero bakit ang lola mo, ang tatay at nanay mo ay lahat namatay sa inyong bahay. Hanggang ngayon ay doon pa rin kayo nakatira at hindi naman kayo lumilipat ng bahay,’’ sagot ng magsasaka.