Fungal infection
November 24, 2000 | 12:00am
Ayon sa leading dermatologist na si Dr. Lakandula ‘‘Lucky’’ Elayda ang fungal infection ay bacteria at mikrobyo na mula sa tao, hayop at kapaligiran. Binigyang-diin ni Dr. Elayda na ang fungal infection ay maiiwasan sa pamamagitan ng kalinisan at healthy lifestyle. Sinabi niya na ang eksema ay nagsisimula sa kati at lumalala dahil sa pagkakamot. Lalong nagnanaknak ang impeksyong ito dahil sa kakakamot na napakasarap.
Ang kurikong ay isang uri ng galis na madaling makahawa. Mula leeg hanggang paa, ang kurikong ay hindi talaga mapipigilang hindi kamutin dahil sa sobrang kati. Ayon kay Dr. Elayda mabisang panggagamot sa kurikong ang sulfur.
Isa pa ring pangkaraniwang fungal infection ay ang balakubak na nagmumula sa ulo at kumakalat sa leeg, sa likod at iba pang bahagi ng katawan. Dapat na iwasang gamitin ang suklay at hairbrush ng taong may balakubak. Iwasan ding humiram ng iba pang gamit para huwag mahawa ng balakubak. Dapat na laging mag-shampoo ng buhok.
Ang tinaguriang contact dermatitis ay inflammation of the skin. Napakakati nito at kapag kamutin ay magkakaroon ng butlig-butlig at parang sinisindihan ang pakiramdam. Nakukuha ito sa mga gamit gaya ng tsinelas lalo na iyong Japanese slippers, mga pabango at maging pagkain at maging sa hangin na may halong ‘‘pollen’’ at sa kuwarto naman ay ang nakapangingilabot na dust mites.
Ang tagulabay naman ay lumalabas kapag tag-lamig at ang tinatawag na ‘‘psoriasis’’ ay walang gamot at ito’y namamana, ayon kay Dr. Elayda.
Ang mga bata, lalo na ang mga sanggol ay napakasensitibo ng balat at madaling kapitan ng fungal infection. Dapat na ang mga bata’y paliguan at punasan palagi at suutan ng pajama para huwag kagatin ng lamok at kapitan ng pulgas mula sa mga aso at pusa. Binigyang-diin ni Dr. Elayda na dapat na ugaliing maging malinis. Talaga namang totoo na ang kalinisan ay kalusugan. Di ba cleanliness is next to Godliness?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended