^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng bato

-
Ang matandang magsasaka ay tinawag na Lolo Bato. Hindi ito dahil sa wala siyang pakiramdam o makunat. Ito ay dahil sa wala siyang kibo. Lumilipas ang buong araw na hindi nagsasalita. Mahusay siyang makinig. Kaya lang ay hindi tumutugon. Karaniwan ay umiiling pag hindi ang sagot at yumuyuko pag sumasang-ayon sa kausap.

Para magpaalam sa asawa ay tinatapik lang ang balikat at bahagyang ngingiti. Pag dumarating mula sa bukid ay tatanggalin ang sombrero at ikakaway pero hindi umiimik. Sa mga anak, karaniwan ay tatapikin ang ulo o bumbunan at iyon na ang pagbati nito.

Hindi nakapagtataka na ang panganay na anak na lalaki ay naging katulad ng ama. Wala rin itong imik. Kaya ang anak ay tinawag na Batang Bato.

Tinanggap ng buong nayon ang ugali nang mag-ama na parehong tahimik. Wala naman silang iniistorbo at hindi namimirhuwisyo.

Subalit nagimbal ang lahat nang biglang maging matabil si Batang Bato. Hindi maipaliwanag at hindi maunawaan ng lahat ang biglang pagbabago. Mula sa pagiging tahimik ay naging masalita. Himala sabi ng mga nakararami.

Napansin ng mga taga-nayon ang pagkakaiba nang mamatay ang ina.

Nang tanungin si Batang Bato ay ito ang kanyang sagot, "Bago namatay si Inay sinabi ni Itay ang kanyang pagmamahal. Noon lang naibulalas ang kanyang pakiramdam. Napaluha si Inay sa saya at lahat ng ito ay aking nasaksihan.

"Bago tuluyang pumanaw si Inay ay may huli siyang habilin sa akin. Sinabing ‘Anak, huwag mong tularan ang iyong ama na sa dakong huli na nagsalita. Huwag kang magkakamali na bigyan ng bulaklak ang iyong asawa pag nasa libingan na at hindi na makaamoy ng bulaklak."

ANAK

BATANG BATO

HIMALA

HUWAG

INAY

KAYA

LOLO BATO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with