^

PSN Opinyon

Kinabukasan ng Pilipinas nasa kamay ng 22 senator

-
Nasa kamay ng 22 senador ang kinabukasan ng Pilipinas. Ang mga ito ang gaganap bilang mga hurado sa kaso ng impeachment laban kay President Erap na nakatakdang magsimula sa unang linggo ng Disyembre. Kapag nagsimula na ang paglilitis, ang papapelan ng mga senador ay hindi na bilang mga mambabatas kundi mga hukom na magbibigay ng kanilang hatol kung si Erap ay mapapatalsik sa kanyang posisyon o mapapawalang-sala sa mga paratang na inihain laban sa kanya.

Ang tatayong taga-usig o prosecutors ay ang mga napiling 11 Kongresista na pawang mga kaanib ng Oposisyon mula sa Mababang Kapulungan. Ang magiging Presiding Officer ng Tribunal ay si Chief Justice Hilario Davide ng Supreme Court. Ang mga abogado naman ni Erap ay sina dating Chief Justice Andres Narvasa, dating Solicitor General Estelito Mendoza at dating Deputy Speaker Raul Daza.

Inaasahan na magiging madugo at masalimuot ang trial na ito sapagkat lahat halos ng mga kalahok at may gagampanan dito ay mga pulitiko. Bilang pulitiko, may kani-kanila silang pampulitikang interes na maaaring siyang papanaigin at hindi ang katotohanan at ang makatarungan lamang.

Malaki ang pag-aalinlangan ng Oposisyon at ng mga kritiko ni Erap sa proseso ng impeachment kung kaya’t ang kanilang isinisigaw ay RESIGN ERAP. Naniniwala sila na higit na mabilis na makakaahon ang ating bansa sa paghihirap at kaguluhan kung magbibitiw na kaagad ang Presidente sa kanyang tungkulin.

Subalit hindi tumitinag ang Presidente sa kanyang kinauupuan. Bagkus pa nga ay lalong lumalakas ang pagtanggi niyang bumitiw. "Hindi ako magre-resign," ang paulit-ulit niyang pahayag. Sinabi ng Presidente na handa siyang harapin ang impeachment case na lilitisin sa Senado.

Nasisiguro ko na hindi na magkamayaw sa paghahanda ang magkakabilang panig. Nabagabag ang kalooban ng Oposisyon nang ipahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na kabilang siya sa walong senador na mag-aabsuwelto kay Erap sa impeachment case. Dahil dito, may mga plano ang Oposisyon upang pag-ibayuhin ang pagbabantay nila sa magiging kaganapan sa Senado maliban sa mga rallies at demonstrations laban kay Erap.

Abangan ang mga susunod na kabanata!

vuukle comment

CHIEF JUSTICE ANDRES NARVASA

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

DEPUTY SPEAKER RAUL DAZA

ERAP

MABABANG KAPULUNGAN

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

OPOSISYON

PRESIDENT ERAP

PRESIDING OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with