Bantayan ang mga senador sa impeachment
November 20, 2000 | 12:00am
Kung pag-uusapan ang impeachment, tapos na ang laban sa Kamara. Ang laban ay nasa Senado na. Ang pag-apruba ng mga alintunin na susundin ng Senado sa impeachment ay umpisa pa lamang sa proseso ng pagdinig sa impeachment. Sa ilalim ng Saligang Batas sa Kamara lamang maaaring magmula ang impeachment complaint. Sa kabilang banda, ang Senado lamang ang maaaring magdinig sa kasong ito.
Noong inindorso ni Speaker Villar ang Articles of Impeachment sa Senado ay napatunayan ng Kamara sa taumbayan na ang kanilang tinig ay pinangatawanan. Napatunayan ninyo na kaming mga Kongresista ay tunay na kumatawan sa inyong damdamin at diwa. Ngayon, kailangang patunayan ng mga Senador ang kanilang malayang paninindigan mula sa dikta ng Malacañang.
Ang impeachment ay isang sensitibo at pambansang isyu. Hindi lamang ito laban ng numero sa botohan. Hindi lamang ito laro ng mga partido sapagkat ang pagboto sa impeachment ay dapat na batay sa konsensiya at katotohanan hindi batay sa apilasyon sa pulitika o kaugnayan sa Presidente. Ang bawat boto ay dapat na boto para sa kapakanan ng bayan. Ngayon pa lamang ay may mga bali-balita na ng pagbili ng mga boto. Kung kaya mas kritikal na maging masigasig tayo sa pagbabantay ng proseso sa Senado. Gaya ng sabi ng mga negosyante, handa silang magpunta sa Senado upang bantayan ang mga Senador. Hinihikayat ko ang lahat na sumulat sa mga Senador at ipahayag ang inyong pagsuporta sa impeachment.
Matatandaang noong inindorso ni dating House Speaker Manuel Villar ang Articles of Impeachment sa Senado, marami sa aming kasamahan sa Kamara ang nagalit. Ang ilan nga sa kanila ay nagsisigaw sa mga tao sa gallery na sumusuporta sa impeachment. Subalit wala silang nagawa dahil nakita nila kung gaano karaming tao ang sumusuporta sa impeachment ng Presidente. Kung makikita ng ating mga kagalang-galang na mga Senador na isusumpa sila ng buong sambayanan kung boboto sila sa pamamagitan lamang ng apilasyon sa partido, mag-isip sila ng daan-daang beses bago nila ipagkanulo ang kinabukasan ng bayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest