Bronchiectasis

Ito ay sakit ng bronchi (tubes) ng baga. Dahil sa resulta ng infection ay nahaharangan ang mga tubes na ito ng makapal na secretions at nagiging dahilan upang ang walls nito ay humina. Ang sakit na ito ay karaniwan sa mga matatanda although it may originate in childhood. Ang mga sintomas nito ay ang madalas na pag-ubo at pagdura na may masamang amoy. Ang dura ay malagkit, kulay berde at dilaw at maaaring may dugo. Makararanas ang pasyente ng pagkapagod at pagiging anemic at madalas din ang respiratory infections. Ang pinsala sa bronchi tubes ay maaaring likha rin ng impeksiyon sa baga tulad ng pneumonia at chronic bronchitis, allergy (hay fever) paglanghap ng foreign body at tuberculosis. The secretions that accumulate lead to blockage and weakening of the bronchi walls, and accumulation of more material and secondary infections.

Maiiwasan ang sakit sa pamamagitan ng good diet, pag-inom nang maraming liquid, pag-iwas sa mga airborne pollutants at sa respiratory infections. The main treatment is the practice of postural drainage to eliminate the accumulated secretions. The patient lies over the edge of the bed with head hanging down so that the secretions pass into the trachea (windpipe) and can be coughed up. Also, surgery to remove a part of the lung (lobectomy) may be needed and antibiotic to fight infections o inhalation of aromatic substances, may be used to eliminate the smell.

Ang pagbabakuna sa mga bata laban sa measles at whooping cough ay maaaring mahadlangan ang bronchiectasis hanggang siya ay lumaki na. Ang paggamit ng antibiotics para sa pneumonia ay maaaring makabuti. Ang pag-iwas sa paglanghap ng usok, alikabok at gases ay makatutulong para maiwasan ang bronchiectasis o mababawasan ang paglaganap nito. Inhalation (aspiration) of foreign objects into the airways may be prevented by carefully checking to see what children put in their mouth. Ang mga drugs na pangsugpo sa ubo ay maaaring makapagpalubha sa atake ng bronchiectasis.

Bukod sa antibiotics, ang mga anti-inflamatory drugs na tulad ng corticosteroids at mucolytics ay maaaring ibigay. If the blood oxygen level is low, oxygen inhalation therapy may prevent complications like corpulmonale (heart disease related to lung disease) kung may sakit sa puso ang pasyente, diuretics can relieve some of the swelling. Ang kakapusan ng paghinga ay maaaring malunasan sa pagbibigay ng bronchodilators.
* * *
Sa sinumang readers ng Pilipino Star NGAYON na nakakikilala kina Luz Cuizon at Rose Marie de Rio, please let me know. Ang dalawa ay mga kaklase ko sa UP high school at kailangan ang kanilang presence sa aming alumni homecoming activities.

Show comments