Handa ang taumbayan sa impeachment case
November 18, 2000 | 12:00am
Absuwelto na si President Erap sa impeachment case sa Senado. Ito ang pagmamalaking sinabi ni Miriam Defensor-Santiago. Sinabi niyang walo silang senador na boboto para mapawalang sala si Erap.
Anong klaseng pag-iisip mayroon ang senadorang ito? Hindi ba niya alam na isa siya sa magiging hukom sa napipintong paglilitis sa Senado? Ano ba ito, nadulas ba lamang siya nang dahil sa kanyang kadaldalan o talagang ibinabandera niya na siya ang defensor ni Erap?
Marami rin ang may haka-haka na bahagi ng estratehiya ang ginawang paghahayag ni Miriam upang sanayin na ang mamamayan na maaabsuwelto si Erap.
Siguro naman, napapansin ninyo na may mga ibat ibang pasaring o mga parinig na mahirap matalo ang Presidente sa impeachment case na ito sapagkat walang malakas at maliwanag na mga ebidensiya na magdidiin dito.
Ayon pa sa kanila, hindi sapat ang numero ng mga senador na magtatanggol kay Erap. Idinugtong pa na mas magagaling ang mga abogado ni Erap kaysa sa mga magsisilbing prosecutors.
Sana ay hindi magkamali sa kanilang pag-aakala ang mga kampon ni Erap na maloloko nila ang taumbayan. Hindi oy! Wala yatang may brain-damaged sa amin.
Naniniwala ako na handang-handa na ang mga Pilipino at ang iba pang taong may konsensiya sa daigdig na supilin ang anumang kasamaang magaganap sa ating bansa. Ipagtatanggol ng mga ito ang katarungan. Mabuhay ang Pilipinas!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended