Ang talinghaga ng kiskisan
November 18, 2000 | 12:00am
Ang kiskisan ang paboritong umpukan ng mga taga-nayon. Una itong itinayo sa nayon tanda ng sampalataya at paniniwala ng may-ari sa hinaharap na uunlad ang nayon. Dadami ang magsasaka at daragsa ang ani ng palay. Balang araw, ang kiskisan ay talagang kikita.
Ang paniwala ng may-ari ng kiskisan ay nagkatotoo. Pitong araw sa loob ng isang linggo ay naging abala ang kiskisan. Sa dami ng parukyano ay laging parang fiesta dito. Pinasementuhan ng may-ari ang bakuran kaya madalas gawing patuyuan ito ng palay ng mga magsasaka. Sa tabi ng kiskisan ay may ginawang basketball court.
Naging parang plasa ang kiskisan lalo na at malapit ito sa kapilya at paaralan na ang lotey ibinigay ng may-ari ng kiskisan.
Pero ang tunay na sekreto ng kiskisan ay ang ugali ng may-ari. Marunong itong makisama at madaling kausapin. Mapagbigay at hindi pinagsasamantalahan ang mga magsasaka. Mababa ang singil sa pagkiskis ng palay kaya pati karatig nayon ay dumadayo. Lalo na at ang binlid at darak ay ibinabalik sa nagpapakiskis. Sa ibang lugar ang binlid at darak ay napupunta sa may-ari ng kiskisan.
Subalit nagkaroon ng pagbabago at nawala ang mga parukyano. Nangyari ito nang dumating ang anak ng may-ari ng kiskisan na nagtapos ng Engineering at Agriculture. Ang kanyang espesyalisasyon ay ang makina ng kiskisan.
Pinapalitan ng anak ang piyesa ng kiskisan. Ang bakal na pangkiskis ay pinalitan ng de goma. Ito ay para mawala ang binlid at hindi magasgas ang darak mula sa mga butil ng bigas.
Ang may-ari ng kiskisan ay nagtanong sa mga magsasaka kung bakit nag-alisan sila.
Tugon ng mga dating magsasakang parukyano, Kasi po nang gumamit ng goma sa kiskisan nawala ang binlid at darak. Paano naman ang pagkain ng aming baboy kung walang darak?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest