Narinig n’yo na ba ang dental replantology? Ang ngipin na natanggal ay naibabalik na mli at ito ay tumutubo na tulad ng dati. Karamihan sa mga ngipin na muling itinatanim kahit na nabunot o natanggal likha ng isang aksidente ay naibabalik sa dati ayon sa paliwanag ni Dr. Noel Velasco, isang dental facial and jaw joint specialist.
Si Dr. Velasco ay isang international dentist na tutol na tutol na bunutin ang ngipin. Hangga’t maaari ay sisikapin ni Dr. Velasco na gamutin at alagaang mabuti ang ngipin para huwag itong mabunot.
Ang ngipin na natanggal ay naibabalik ni Dr. Velasco. Batay sa maraming kaso ng mga pasyente na natanggal ang ngipin dahil sa nasuntok, nabangga at dulot ng iba’t ibang kadahilanan. Ayon kay Dr. Velasco, dapat na ang natanggal na ngipin ay maibalik kaagad sa loob ng first 30 minutes. Kung lumampas sa 30 minuto, sabihing dalawa hanggang tatlong oras, dapat na hugasan ang ngipin at ilagay sa isang baso o anumang container na may malamig na tubig na may halong gatas. Mas mabisa kung ang gatas ay gatas ng ina o kung wala namang mother’s milk, puwede na rin ang fresh milk. Ibabad ang ngipin ng ilang sandali tapos ay ibalik ito sa puwesto at makabubuting ang prosesong ito ay gawin ng isang dentista. Sinabi ni Dr. Velasco na hugasang mabuti ang natanggal na ngipin at unti-unting ibalik tapos ay lalagyan ng "braces", tinuturnilyo, sinisemento at mababalik na sa normal matapos ang ilang buwan.
Maraming larawan ng mga naging pasyente ni Dr. Velasco na nabunutan ng ngipin, hindi lang isa kundi maraming ngipin dulot ng aksidente ang kanyang ipinakita sa mga viewers ng Mahal public service TV program. Marami ang hindi makapaniwala nang ipakita ni Dr. Velasco ang larawang before-and-after ng pasyente. Kagila-gilalas at totoong mahirap paniwalaan subalit nakikita ang katotohanan.
Sinumang may problema sa ngipin, kabilang na ang sungki-sungki, maling alignment, tumatabinging mukha dahil sa maling pagkagat at pagnguya ng pagkain, ang mga ito ay mabibigyan ng lunas ni Dr. Velasco. Ang kanyang V.M. Dental Hospital ay matatagpuan sa Felix Avenue, Karangalan Village, Cainta, Rizal. Ang mga telepono ay 645-2559, 678-2364 at 240-2633.