^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng kasilyas

-
Ang magsasaka ay ipinanganak sa liblib na nayon. Buong buhay niya ay doon lang at ni minsan ay hindi nakapunta sa bayan.

Nang bigla siyang napadpad sa Maynila. Kinuha siya ng isang pinsan bilang hardinero sa malaking bahay sa isang subdivision. Hangang-hanga siya sa bahay. Noon lamang siya nakakita ng ganoon kalaking bahay.

Lalo na siyang nagulat nang mapagmasdan ang bahay ng amo. Ang guard house lang ay parang bahay na sa kanila. Dalawampu ang kuwarto at bawat isa ay may sariling kubeta. Ang sala ay napagkamalan niyang auditorium sa laki.

Ang hardin na kanyang aalagaan ay mas malaki pa kaysa sinasaka niyang palayan.

Hindi pa niya nakikita ang loob ng palasyo dahil nakatira ang mga katulong at tsuper sa ibang gusali.

Minsan, nang wala ang amo ay nakapasok siya at namangka sa swimming pool. Dinukwang ang asul na tubig at nahulog sa pool.

Napasigaw siya, ‘‘Huwag ninyong i-flush ang kasilyas.’’ Walang dumating para siya tulungan.

Binago niya ang sigaw, "Sunog! Sunog!’’ Biglang dumating ang saklolo.

Pero pinagalitan siya. ‘‘Bakit sumigaw ka ng sunog samantalang wala namang apoy? Sira ka ba?’’

‘‘Kasi sa baryo wala pong maniniwala na nalulunod ako sa kasilyas. Pero pag sumigaw ka ng sunog ay may sasaklolo gaya ng inyong pagdating at pagtulong sa akin.’’

BAKIT

BIGLANG

BINAGO

BUONG

DALAWAMPU

DINUKWANG

HANGANG

PERO

SIYA

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with