sa ilalim ng interchange na inayos,
Sa Makati City dati ito’y tampok
pagkat lugar itong dati ay maayos!
Magallanes-Tulay kung ito’y tawagin
lagusan ng tao’t sasakyang matulin,
Sa ilalim nito’y may riles ng tren
kaya mga tao’y umalis-dumating!
Kaya ang interchange kung pagmamasdan mo
magara’t matikas – bakal at semento
Subalit sa ‘baba’y makikita rito
lahat ng basura, putik saka damo!
Nang ginagawa pa’t ito’y under repair
inakala natin na pagagandahin,
Nayari ang tulay – mataas magaling
ngunit sa ibaba’y mabantot marusing!
Kaya nagagalit ngayon ang commuters
sa DPWH at PNR managers,
Gayundin sa Lady Mayor na magiting
at sa aking ‘‘cousin’’ dyan sa MMDA!
Naturang ahensiya’t government personnel
ang dapat managot sa ganyang negligence,
Hinihiling ngayon ng mga taxpayer
budget ng gobyerno ay dito gamitin!