^

PSN Opinyon

King Jehoshaphat dapat tularan

-
Dapat na maging modelo ng mga namumuno ng ating bansa ang naging buhay ni Haring Jehoshaphat na nang dumating ang matinding bagyo sa kanilang lugar ay unang nakipagkonsultasyon sa Diyos at isinasaisantabi ang nakapaligid na mga consultant at adviser.

Para sa mga lider ng ating bansa, mas mabuting pag-aralan ninyo ang naging buhay ni Jehoshaphat sa Biblia (2 Chronicles 17 -20) at tinitiyak ng OK ka Bata! na walang sinumang nilalang sa mundo o puwersa sa daigdig ang tatalo sa inyo kahit na ang tinatawag pang ‘people power’.

Alam ba n’yo mga kabayan kung bakit matagumpay na nagapi ni Haring Jehoshaphat ng Judah ang kanyang daang libong kaaway na nagtangkang sumakop sa kanyang kaharian upang ibagsak ang ekonomiya ng bayan.

Siya ay nanalangin at humingi ng patnubay sa ating Panginoon bago ipinag-utos sa kanyang nasasakupang kaharian na mag-ayuno ang taumbayan.

Sa pagdating ng matinding bagyo sa buhay ni Jehoshaphat, hindi niya inuna ang makipag-konsultasyon sa kanyang mga Heneral ng hukbo, consultants at advisers, bagkus siya ay nanalangin sa Diyos.

Base sa istorya, si US President Abraham Lincoln ay nakikita araw-araw ng kanyang mga kasamahan sa White House na bago sumikat ang liwanag ay nakaluhod sa harap ng bintana at nanalangin bago harapin ang trabaho sa Oval Office.

Kaya naman mga kabayan magpahanggang ngayon ay nanatiling buhay ang iniwang alaala sa buong mundo partikular na ang nakalagay sa bawa’t dolyar na "In God We Trust".

Sa ating bansa, ang inuuna ng ating mga namumuno kapag dumarating ang krisis ay kung sinu-sinong mga alipores na adviser at consultant ang inuunang tawagin at kapag nabulilyaso na ang ibinigay na payo ng mga alipores na adviser at consultant ay Diyos na ang hinahanap.

Siguro mga kabayan, matatandaan n’yo ang mga yumanig na balita tulad ng pagbubulgar ni Manoling Morato sa casino, ang luxury cars na nakaparada sa Malacañang, ang isiniwalat ni Perfecto Yasay ng Securities and Exchange Commission.

Maraming beses nang binigyan ng pagkakataon ng Diyos ang ating mga lider sa pamahalaan na magbagong buhay at ngayon na huling pagkakataon na niyayanig ng jueteng scandal ay muling magbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan na naman.

Sa kasalukuyan mga kabayan, ang nababahala ay ang mga milyonaryo at hindi mga mahihirap dahil sanay na sila sa mga nangyayari sa bansa.

Naniniwala ang Ok ka Bata! na hindi pahihintulutan ng Diyos na magkagulo ang ating bansa dahil may mga natitira pa namang nananalangin sa Diyos.

ATING

BATA

DIYOS

HARING JEHOSHAPHAT

IN GOD WE TRUST

MANOLING MORATO

OVAL OFFICE

PERFECTO YASAY

PRESIDENT ABRAHAM LINCOLN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with