May mga bulaklak tayong inilalagay sa kanilang puntod subalit ang mababango, mamahalin at magagandang bulaklak ay hindi na lubos na mabibigyan ng pagpapahalaga at makapagdudulot ng kasiyahan dahil wala ng buhay ang ating pinaghahandugan. Kasabihan nga na send me flowers while Im still around para lubos kong ma-appreciate ang handog na bulaklak. Noong buhay pa ang ating mga yumao ay nahandugan ba natin sila ng bulaklak sa kanilang kaarawan at sa mga importanteng okasyon? Maalaala ba natin silang padalhan ng birthday card o Christmas card? Naalaala ba natin silang batiin at tawagan sa telepono para kumustahin kahit na sandali?
Mga alaalang nagbabalik sa ating gunita ang mahal sa buhay na kahit ano pa ang mangyari ay hindi mawawaglit sa isipan. Sa mga magulang, payo ko ay dapat na mahalin at maging mabuting halimbawa sa pagpapalaki ng mga anak at sa mga anak naman ay dapat na mahalin, pagsilbihan at igalang ang inyong amat ina na sa kanilay utang ninyo ang buhay. Dapat na huwag ninyong dulutan ng sama ng loob ang inyong mga magulang at pakaisipan palagi na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.