^

PSN Opinyon

Paggunita at pagmamahal

-
Sa araw na ito ginugunita natin ang ating mga mahal sa buhay na naunang binawi ng Dakilang Maykapal. Mga bulaklak at kandila at taos na panalangin ang alay natin sa pag-aalala sa kanilang mga kaluluwa. Sa pagkakataon ding ito ay bumabalik sa ating gunita ang mga alaala ng mga nagdaang sandali na nakapiling natin sila. Naroon ang pakiramdam na panghihinayang kung bakit maaga nila tayong iniiwan. Naroon din ang pakiramdam na sana’y nagawa natin at naibigay ang lahat ng mga bagay na makapagpapaligaya sa kanila at sa mga sumama ang loob sa atin ay ang ating paghingi sa kanila ng tawad.

May mga bulaklak tayong inilalagay sa kanilang puntod subalit ang mababango, mamahalin at magagandang bulaklak ay hindi na lubos na mabibigyan ng pagpapahalaga at makapagdudulot ng kasiyahan dahil wala ng buhay ang ating pinaghahandugan. Kasabihan nga na ‘‘send me flowers while I’m still around’’ para lubos kong ma-appreciate ang handog na bulaklak. Noong buhay pa ang ating mga yumao ay nahandugan ba natin sila ng bulaklak sa kanilang kaarawan at sa mga importanteng okasyon? Maalaala ba natin silang padalhan ng birthday card o Christmas card? Naalaala ba natin silang batiin at tawagan sa telepono para kumustahin kahit na sandali?

Mga alaalang nagbabalik sa ating gunita ang mahal sa buhay na kahit ano pa ang mangyari ay hindi mawawaglit sa isipan. Sa mga magulang, payo ko ay dapat na mahalin at maging mabuting halimbawa sa pagpapalaki ng mga anak at sa mga anak naman ay dapat na mahalin, pagsilbihan at igalang ang inyong ama’t ina na sa kanila’y utang ninyo ang buhay. Dapat na huwag ninyong dulutan ng sama ng loob ang inyong mga magulang at pakaisipan palagi na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

ATING

DAKILANG MAYKAPAL

DAPAT

KASABIHAN

MAALAALA

NAALAALA

NAROON

NATIN

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with