Impeachment sa kamara: Kumusta na ?
November 1, 2000 | 12:00am
Ngayong Araw ng mga Patay, natitiyak kung marami ang uuwi sa kani-kanilang probinsiya upang dumalaw sa mga kamag-anak, kapamilya upang alalahanin ang mga mahal sa buhay na pumanaw na. Marami ang nais lumayo sa kaguluhan ng Maynila upang pansamantalang magkaroon ng kapayapaan ng kalooban. Mapa-Luzon, Visayas o Mindanao man, hindi maitatatwa na napakalaking suliranin ang hinaharap ng ating bansa ngayon. Nariyan ang krisis sa ekonomiya at pulitika.
Habang tumatagal, lalong tumitindi ang interes ng publiko sa mga kilos protesta laban sa administrasyon. Kung dadaanin sa legal na pamamaraan, ang impeachment na nakahain sa Kongreso ang malinaw na proseso upang magkaroon ng mapayapang pagbabago sa ating pamahalaan. Ayon sa Konstitusyon, ang Presidente, Bise Presidente, Justice ng Supreme Court, Miyembro ng COMELEC, Commission on Audit, Civil Service Commission at Ombudsman ay maaari lamang matanggal sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment. Samakatuwid, tanging ang proseso lamang ng impeachment ang kinikilalang lehitimong paraan sa ilalim ng Saligang Batas, upang mapatalsik sa puwesto ang mga palalong opisyal ng gobyerno na kabilang sa tinatawag ng impeachable officers. Ang proseso ng impeachment ay isang mahalagang aspeto ng isang demokratikong lipunan upang mapanatiling matapat at malinis ang mga nanunungkulan sa mga pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
Ang complaint for impeachment na nakahain sa Kongreso ay didinggin na sa pagbubukas ng session sa Nobyembre 6. Ito ay nasa jurisdiction ng House Committee on Justice. Noong nakaraang linggo ay nag-inhibit na si Rep. Pacifico Fajardo, pangulo ng Komite dahil sa maaaring conflict of interest sa kasong ito. Nilinaw ni Fajardo na hindi siya nagbibitiw bilang Chairman ng Komite kundi pansamantalang ipapaubaya muna niya ang pangangasiwa ng pagdinig. Sa ngayon, si Rep. Neptali Gonzalez II ang uupong Chairman ng Komite sa kasong ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am