^

PSN Opinyon

Mansion ng TV personality sa Forbes Park, for sale

-
ALAM n’yo bang for sale na ang mansion ng isang sikat na TV personality?

Ayon sa aking bubuwit, 55 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kina VW Artemio Cacal, Bro. Edwin Regino, Bro. Delfin del Rosario, Bro. Narciso Liston, Mar Dumapias, Lino Abacan, Kathleen Cunanan, JAY-R Estacio, Simon Galicia at Tess Debett.

Binabati ko rin sina Oca Cruz ng DZME, Ma. Remedios Ramos ng Nextel at Rudy Angco ng IRRI.
* * *
Alam n’yo bang for sale na ngayon ang mansion ng isang sikat na TV personality?

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa nangyaring crisis noon sa ating ekonomiya, naapektuhan ang business ng nasabing TV personality.

Naku, siguradong mas marami pa ang maaapektuhan ngayon dahil sa crisis na kinakaharap nati. Dahil kay Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson, ang daming sumabit. Mapu-puwersa kayang mag-resign si President Erap?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa malaking pagkalugi sa negosyo nitong TV personality, napilitan siyang pumasok sa isang kasunduan sa banko para mabayaran ang kanyang loan. Ito ’yung tinatawag sa legal term na ‘‘dacion en pago.’’ Hindi raw niremata ng banko.

Mukhang malaki talaga ’yung kanyang utang sa banko sapagkat ang kapalit nito ay ang kanyang mansion sa Forbes Park, Makati City. Ito ’yung mansion na meron pang mini-theater na kasya ang mga 40-katao.

Bukod sa Forbes Park property meron pa itong kasamang resort condominium at dalawang club shares. Ito ’yung kabayaran sa kanyang outstanding obligation na umabot sa P134-million. Pero, sabi ng aking bubuwit, mukhang umabot nang mahigit P200-million.

Isinagawa ang ‘‘dacion en pago’’ kesa naman daw rematahin ng banko ang kanyang mga ari-arian. Mas diyahi di ba?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, bagamat nalugi si TV personality sa negosyo, hindi naman daw siya nagmukhang poor. Bagamat siya ay nakatira ngayon sa isang condominium, hindi naman daw ito pipitsugin.

Ito ay condominium na may sukat na 381 square meters sa Rockwell, Makati City.

Ang nakalulungkot lang na parte kay TV personality, ang dami ng kanyang mga kaibigang socialites at mga rich. Pero nang humingi siya ng tulong, nawala lahat ang mga bruha.

Anyway, kung gusto ninyong bilhin ang mansion ni TV perso-nality sa Forbes Park puntahan n’yo at meron nang nakalagay na for sale. Di ko lang alam kung magkano ipinagbibili.

Ang TV personality na for sale ngayon ang mansion sa Forbes Park ay si Mr. J.L. as in Jesus is Lord.

ARTEMIO CACAL

AYON

EDWIN REGINO

FORBES PARK

KATHLEEN CUNANAN

LINO ABACAN

MAKATI CITY

MAR DUMAPIAS

MR. J

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with