^

PSN Opinyon

Iniipit ni Mayor ang permit

-
ANG letter ay galing kay Ferdie Olalia ng Roxas City.

Ang aking amo ay nagmamay-ari ng bar dito sa aming lugar. Inamin po niya na sa loob ng limang taon, ‘‘naglalagay’’ siya para makakuha ng mayor’s permit. Subalit sa taon pong ito, napagpasyahan ni Amo na huwag nang ‘‘maglagay’’ dahil maayos naman ang kanyang pamamahala sa aming bar. Ang ‘‘naglalagay’’ lamang daw ay iyong mga bar na may malalaswang panoorin. Disente po ang aming bar.

Dahil ayaw na nga pong magbigay ng ‘‘lagay’’ si Amo, iniipit naman ngayon ang kanyang mayor’s permit. Ang masama pa po nito, pinasasara pa ngayon ng mayor ang bar dahil marumi raw ito at walang occupational at health permit.

Maaari bang ipitin ng mayor ang pagbigay ng permit?


Hindi maaaring ipitin ng mayor ang pagbibigay ng mayor’s permit kung ang mga papeles ay nasa ayon. Maaaring kulang ang dokumento ng iyong boss dahil hindi siya dumaan sa regular na proseso ng pagkuha ng mayor’s permit noon. Siya ay sanay lamang na mag-lagay.

Ang mayor’s permit ay hindi maaaring iisyu kung ang establisimiyento ay hindi sumusunod sa mga standards ng batas. Ito ay naaayon sa police power ng lokal na gobyerno.

Ang dapat gawin ng iyong amo ay sumunod sa lahat ng legal na proseso at mag-sumite ng lahat ng dokumento na hinihingi ng batas kagaya ng sanitary permit, health certificate ng mga empleyado, approval ng fire bureau at iba pa. Tapos, magbayad siya ng legal na license fee. Kapag naisaayos niya ang lahat ng ito, ang mayor ay wala nang rason para hindi mag-isyu ng mayor’s permit.

AMO

DAHIL

DISENTE

FERDIE OLALIA

INAMIN

KAPAG

MAYOR

PERMIT

ROXAS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with